Chapter 22 - Good Vibes

926 Words

“NAKU!!! NAKAUWI NA PALA SILA SIR NG HINDI NATIN NAMAMALAYAN,”nag-aalalang sabi ni Tina sa kasamang kasambahay. Palakad-lakad ito halatang di mapakali. “Saan ka ba kasi nagpunta kanina at hindi mo napansin?” “Tiningnan ko lang 'yung gym room ni Sir Jaxon baka kasi may alikabok. Lilinisin ko sana.” Bigla itong nagkalasan ng makitang pababa ng hagdan ang amo. Nakangiti itong lumapit sa kusina kung saan sila naghahanda ng ilulutong pang-hapunan. “What do we have here?” “Ah,Sir...magluluto po sana kami ng nilagang baka,” mabilis na sagot ni Tina. “Mayroon po ba kayong gustong ipaluto?” “Huwag na kayo mag-abalang magluto. Papadeliver na lang ako ng dinner natin.” “Naku Sir pagpasensiyahan niyo na po kung minsan hindi pasok sa panlasa niyo ang mga niluluto namin.”malungkot na sabi ni Len.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD