Mariella
Inaabot niya mula sa back seat ang isang paper bag na malaki. Tinulungan ko siyang kunin ito. Di ko pa nabuksan ang paper bag ay naamoy ko na ang mabangong luto ng pagkain. Mainit init pa talaga. Tiningnan ko ang paper bag at nakasulat pa doon ang kilalang resto in the metro kaya bigla akong natakam sa pagkain.
"Baka kako ay nagutom ka na babe, kaya nagdala nalang ako ng pagkain.. okey lang ba sayo na dito na tayo kakain?, paniguradong tanong niya sa akin.
" As long as kasama ka babe, okey lang.."...maligalig kong sagot...pambawi sa nakaraang insidente
"Ang sarap naman sa pandinig non babe, paulit nga"....pangiti ngiti niyang sagot...
" makulit ka rin noh...sabay pisil ko sa kanyang ilong. "Kain nalang tayo, okey? yakag ko sa kanya.
Magana kami pareho ng kumain. Ikaw ba naman di gaganahan sa pagkain, eh kasama mo ang taong mahal na mahal mo. He's really gwapo kahit sumusubo lang..
"Bakit babe?" tanong niya sa akin.. kinuha ko ang tissue at pinahiran ang gilid ng kanyang labi. May nagkalat na sauce ng chicken curry. It was just a simple gesture, pero makatingin to sa akin, parang sira. Siguro, mahal na mahal lang talaga namin ang isa't isa kaya, kahit na pinakasimpleng bagay na ginagawa namin sa isa't isa ay malaking bagay na yon para sa amin.
"Thank you Babe"...puno ng pagmamahal na tugon niya sa akin. "nabusog ka ba? balik tanong niya habang nagpupunas ng tissue sa bibig. He has the biggest apetite na nakilala ko. Pero di pa rin lumalaki ang tiyan. Baka alagang gym yan.
"oo naman"..salamat dito hah...nag-abala ka pa talaga..sabi ko sa kanya..
"Ayokong nagugutom ang mahal ko"...sambit niya na malalim ang mga matang nakatingin sa akin. I felt I blushed. Nakakahiya pero kinikilig ako. "Hoy, dahan-dahan ka, kinikilig ako..ano ba"...sabi ko sa kanya...
"Iyon nga gusto ko babe. Kiligin ka, pero sa akin lang hah"...napakagat nalang ako ng labi sa turan..
"shall we? tanong ko sa kanya to stop the kilig moments dahil baka langgamin lang kami.
Pinaandar na niya ang sasakyan at hinatid ako pauwi...
"Babe?...nakatungo niyang tawag sa akin...
"hmmm? lingon ko sa kanya...may problema ba babe?
Tumingin lang siya sa akin. "Ayokong mahiwalay pa sa iyo babe. Sa akin ka nalang uuwi kaya?,,..tanong niya...
"Ano ka ba, magkikita naman tayo ah, puwede ka rin tumawag kung gusto mo....sabi ko sa kanya.
"No, that's not what I mean".." I want us to be together Babe"...I'm speechless. Di naman ako masyadong tanga kung ano ang ipinupunto niya....
"Anong gusto mong palabasin babe? ganting tanong ko sa kanya.
Di na niya ako sinagot. Sige na babe, pahinga ka na, okey? wag mo ng isipin yung sinabi ko. " taboy niya sa akin. But I really doubt it.
"Ingat ka sa pag-uwi babe....paalala ko sa kanya.
"Basta mahal na mahal kita, okey?...I'll call you when I get home"...I love you"..
"I love you too, babe"...
Pumasok na ako sa loob ng bahay at nadatnan ko sa kusina si Yanah na nakaupo at nag cecellphone...Abala pa rin ito at mukhang kinikilig sa chat...hmmmm? "Hi girl..basag ko sa katahimikan niya. " oh hi. nandito ka na pala."...oh ano kumusta na? intersado na tong malaman at inayos pa ang pag-upo at ibinaba pa ang hawak na cellphone.
"Okey lang...maikli kong sagot sa kanya..
"Anong okey lang? Girl, alam mo kung ano ang kinumusta ko, okey? Spell it now, Im listening"..
"Okey, nakauwi na siya, at pinuntahan niya ako sa school kanina. WE talked. And, nagkaayos na kami...balita ko sa kanya...maikling detalye lang ibinigay ko sapat upang kiligin siya...
"eyyyyy...nakakatuwa naman kayo. Buti naman noh. Sis, seryosohin mo si Sir hah, 'wag mo lokohin 'yon. 'pag yun na brokenhearted, damay kaming lahat sa kompanya, kaya good vibes lang palagi hah. And I am very much happy for you, too. natutuwa niyang sagot sa akin.
"Salamat sa payo mo hah, alam mo sis, naisip ko,kapag pumasok ka sa isang relasyon, dapat buo ang pagmamahal na ibibigay mo. Dahil kapag buo ang pagmamahal na ito, kaya mong yakapin lahat ng pagkatao niya at kung ano siya. Maintindihan mo lahat ng ginagawa niya at maniniwala ka talaga sa bawat sasabihin niya. Though para sa akin, sa kaibuturan ng puso ko ay mga pangamba pa rin, pero kapag totoo ang pagmamahal mo sa isang tao, na pa patch up nito ang mga alinlangan mo sa kanya at mga doubts o pangamba. "....mahaba kong litanya sa kanya..
"Wow, nag dadrama ang inlove kong beshy....natatawang sagot niya sa akin..
"Di nga,, bakit ikaw ano ba masasabi mo doon sa sinabi ko? hirit ko sa kanya.
"No comment. Confirm ko lang yan sayo sis kapag ako na ang nasa kalagayan mo, okey? Di ko yan naranasan dati nung kami pa ni Gerald,,."...tugon nito at patuloy pa rin sa pagtawa...
"Okey. Basta ako ang una mong sabihan kapag meron na ah, susuntukin natin kapag niloko ka..! Hahaha..natatawa kong tugon sa kanya.
MARAMI pa kaming napag-usapn before we call it a day..I organized my things in my room bago ako nagpahinga...bukas ay araw ng linggo at magsisimba kami ng maaga ng kaibigan ko..Inaayos ko na rin ang higaan para makatulog na ng naalala ko ang cellphone ko...may text nga galing sa kanya..
Him" Kumusta babe, pahinga ka na ba?
Me: Opo, patulog na. Bakit?
Him: Kinukumusta ka lang po..with heart emoticon
Me: pahinga ka na po..
HIm: Ano gawa mo bukas babe?
Me: plan to go to church po..ikaw ba?
Him: puwede sumama?
Me"......
di muna ako nagtitipa ng isasagot..pinag-isipan ang paki-usap niya. Why not, boyfriend ko naman siya, buti nga yon, atleast yung relasyon namin ay basbas ng simbahan eh noh.
Me: Yes naman po, okey lang ba sa'yo?
Him: para sa'yo, gagawin ko lahat babe..
Me: ang sweet naman, sige, matulog na tayo, maaga tayo magsisimba, ah..
Him: Okey, pahinga ka na babe...
Me: Bakit ikaw?
Him" May gagawin pa sa trabaho babe.
Me: 'wag ka magpupuyat ah, mahal kita.
Him: I love you too babe.
Pinatay ko ang ilaw ng cellphone ko at ipinatong sa maliit na lamesa sa gilid ng kama. I looked at the ceiling. Iniisip ang sitwasyon na meron ako ngayon. At ang pakikipagrelasyon ko kay Sir Dave. I am very contented. As if nakahanap ako ng pader na masasandalan mula sa isang masalimoot kong nakaraan. Though di pa rin mawaglit sa isip ko ang ex niya, but I do have this feeling na parang sakit sa ulo iyang Alianah niya. Alam ko, ang mga babaeng katulad niya ay hindi 'yon basta-basta nalang susuko sa isang lalaking katulad ni Dave. I have fears about our relationship, that's sure, pero tuwing palaging pinaparamdam sa akin ni Dave kung gaano niya ako kamahal, naglalaho naman bigla ang mga pag-aalinglangan na iyon. I heaved a deep sigh..matulog na nga lang!
Maaga akong sinundo sa boarding ni Dave. Ang sabi ko kasi, sa umaga kami magsisimba dahil di pa masyadong matao sa simbahan pero nasobrahan naman yata sa aga itong lokong 'to.
"Ang aga mo po ah, di pa ako nagapag-almusal. Plus 1 point ka na niyan sa langit.." biro ko sa kanya habang natatawa..
"Para sa'yo babe, di puwede ang ma-late"....tugon niya sabay kiss sa forehead ko. ."wow, gentle hah" hirit ng isip ko..
Naamoy ko pa ang perfume niya. Sobrang bango. Dumagdag yata sa kagwapohan niya.He is just wearing a simple polo shirt and denim pants. Mamahaling relos lang ang tanging palamuti sa katawan yet he looks so irresistable..He looks so refreshed and young looking. Walang panama sa kanya ang mga lalaking ka edad ko..siguro ay mas malakas lang din talaga ang s*x appeal niya.,
"maiwan muna kita hah, mag-aayos lang ako,, sandali nalang 'to...paalam ko sa kanya. Naghahalungkat ako ng maaaring isuot ko...Binilisan ko na ang pagbibihis at baka mainip siya sa kahihintay. Isinuot ko ang isang sunday dress na kulay pusha pink na hanggang tuhod lang haba. Sphagetti strap kaya pinatungan ko nalang ng cardigan para di masydaong expose ang likod ko.. Nagsuklay na at naglagay ng kaunting lipstick para naman di masyadong namumutla ang aking mga labi. Atleast man lang ma enhance ng kunti ang mukha kahit lipstick lang. Di rin naman ako mahilig s amga make-up dahil kumakati ang mukha ko,lalo na nung minsnag gumamit ako,,siguro dahil baka peke naman yon kaya na irritate ang mukha ko, pero simula non, di na rin ako gumamit ng make up, para ano pa eh, kahit paano ay makinis naman ang mukha ko, matangos din ang maliit na ilong at mahabang pilik-mata. Sabi nga ng mga kaklase ko noon sa high school, nang umulan ng kagandahan, nasalo ko na daw lahat...tinawanan ko nalang ang mga biro nila.
Lumabas na ako ng kwarto at nakita ko siya na kauspa na pala ni Yanah. Lumingon siya sa akin ng marinig niyang bumukas ang pinto. I saw how his eyes looked at me intently and felt nervous by it.
"Let's go, babe? sabi niya sa akin...tumango lang ako habang tiningnan ni Yanah na may makahulugang ngiti..