Episode 16

1624 Words
Mariella Maaga pa lang ay nag-aayos na ako ng sarili para sa pagpasok ko sa trabaho. Kinakabahan man ay di ko nalang inalintana dahil nanaig pa rin ang pagka inis ko sa kanya, kailangan kong tiisin dahil mag-aaral pa ako at anong pantustos ko kung wala akong trabaho. Atleast, sa isip ko alam kong wala na akong iba pang mapagkaabalahan kundi ang sarili nalang, trabaho at ang nalalapit na pasukan. "Yanah, tapos ka na diyan dai? tanong ko sa kaibigang kanina pa humaharap sa salamin at paikot-ikot. "Maganda na po, ngiti kong sabi sa kanya. Ewan ko ba sa kaibigan kong ito, mula ng magwalwal sa bar noong broken hearted ay bigla nalang naging blooming. Ako nga dito, walang gana eh, pero siya parang makulay pa rin ang mundo...hmmm? "blooming ka dai,,,inlove ulit? "agad-agad? balik tanong niya sa akin. "Baka pwedeng inspired lang noh",,dagdag niya pa...sabay ngiti na parang kinikilig-kilig pa.. "Ikaw kasi....sinusuyo ka na dito, paayw ayaw ka pa dai...." "Sis, di mo alam ang nangyari, kaya please lang"....nanlulumo kong sagot s akanya... "Alam ko bhe, pero di mo pinakinggan ang sir D natin. Ewan ko lang sayo talaga"...Mariella, matuto kang makinig sa eksplanasyon noh, di lahat ng nakita mo ay ang inaakala mo, baka magsisisi ka"...hmmm? "sis, magkaiba tayo ng pinagdaanan , alam mo 'yon? Hayaan mo nalang ako, okey? kaya ko 'to dai.Paki support nalang din, okey ba yun?.. turan ko sa kanya sabay tawa. "Okey po, sis. You have my full support, okey? mahal kita dahil kaibigan kita kaya ayokong nasasaktan ka, understood? sagot niya sa akin habang magka hawak-kamay kaming lumabas ng boarding house namin.. "Yanah, lingon ka, andiyan si Gerald oh,,inaabangan ka yata girl.."..siko ko sa kanya para makita niya...habang si Gerald ay palapit sa amin. Sinikomko siya para makuha ko ang atensyon niya..ngunit wala siyang paki at nagpatuloy sa mpaglalakad. "hayaan mo siya dai...male-late na tayo, yakag niya s aakin...kaso magiliw yata si Gerald at nakasunod pa rin sa amin, and it irritates her kaya huminto kami, kahit nakita ko sa kanyang mga mata ang inis para sa dating kasintahan. "Gerald, ano ba?..nanggigil niyang tanong samantalang ako ay nakikinig lang sa tabi niya.. "Puwede ba tayong mag-usap kahit sandali lang? please? tanong ni Gerald. He's haggard. parang walang tulog ah, saka parang galing pa sa inuman gayong umaga na... "Look, Gerald, papunta na kaming trabaho at baka ma late pa kami..tska wala na tayong dapat pang pang-usapan.",...tugon niya sa kausap. "Marami pa tayong dapat pag-usapan Yanah, pakinggan mo naman ang paliwanag ko, babe please?...pagmamakaawa ni Gerald sa harap naming dalawa...nahihiya na ako dahil may mangilan-ngilan ng napapatingin sa amin. Ayoko namang iwanan ang kaibigan ko at baka kidnapin niya pa,,,natatawa nalang ako sa taba ng utak ko... "Tinapos mo na ng mag desisyon kang magloko, Gerald.. Doon ka nalang sa sekratarya mo, masaya ka sa kanya di ba...oh, alis na at lalakad na rin kami ng kaibigan ko para maghanapbuhay! bye! tsaka talikod sa kanya sabay hatak ng kaibigan sa akin. "naks! Matapang friend! natatawa kong sambit sa kanya. "Mana sa'yo dai...irap niya sa akin... Ang suwerte ko talaga sa kaibigan ko..mabait na ay palaban pa..kaya mahal na mahal ko ito. Bihira nalang sa ngayon ang tunay na kaibigan. Yong hindi ka tatraydurin, kundi ay totoo ang pagkatao at sa iyo... Malapit na kami sa gusaling pagtatrabahuan namin kaya abot-abot na ang aking kaba...kahit naiinis ako sa kanya ay hindi pa rin ako handang pakiharapan siya... "Sis, hanggang dito nalang ako,,,kita tayo sa lunch, sabay tayong kakain, okey? turan ni Yanah sa akin sabay deretso na sa floor ng kanyang deoartamento. TInungo ko na ang elavator at pinindot ang top floor. Huminga ng malalim saka sinipat ang oras sa pambisig kong relo. tamang-tama lang ang dating ko. Ang ding ang elevator hudyat na nasa top fl na ako...lumabas at nakita ko si mam secretary..humahangos ito palapit sa akin, as usual na parang nakakita ng multo... "Mariella, buti naman at nandito ka na...saan ka ba nagtago kahapon? HInanap ka ni sir. Galit na galit yung tao..." so, totoo nga, na hinanap niya ako kahapon at galit na galit pa."....Mam secretary, okey na po 'yun...wag mo ng intindihin si sir...nag so-sorry na ako sa kanya..mag oovertime nalang ako ngayon, okey po ba? pagpapakalma ko sa kanya... Bumuntong hininga ito at na relieve..wala 'tong alam sa nangyari dahil di rin naman na nakiki-usisa sa aming dalawa. Dumeretso na ako sa lagayan ng gamit ko at tinungo ang utility room para magsimulang magtrabaho..Andiyan na kaya siya sa room niya? tanong isip ko. Habang nagtatrabaho ay laman pa rin ng isip ko si Sir Dave, lalo na ang nangyari kagabi sa boarding house namin. May bahagi ng puso ko ang nanghihinayang sa nangyari kagabi, kung puwede naman sana na ayusin at pakinggan ang kanyang side, pero nanaig pa rin ang galit at inis ko sa kanya. Ngayon, may kunting pagsisi na akong nararamdaman. I miss him. Gusto ko na siyang makita. Bitbit ang mga gamit panlinis ay tinungo ko ang hallway papunta sa opisina para maglilinis ng kanyang silid. Kumatok muna ako bago pumasok pero walang tao. Walang bakas na nandoon siya. wala rin sa lagayan ang kanyang coat. Tiningnan ko ang pambisig na relo. It's already late pero wala pa siya. Nagtaka ako dahil maaga yon palagi sa pagpasok sa trabaho, and now it's already 10 am. Baka nasa meeting lang o may nilakad. tugon ng isip ko bilang pampalubag loob sa sarili ko. Pinagpatuloy ko nalang ang paglilinis para makatapos agad. Sasaglit nga pala ako mamayang hapon sa school na pag-eenrolan ko kaya gusto kong matapos agad ang trabho dito sa opisina niya at sa buong floor. Natapos nalang ako ay wala pa rin ni anino niya ang pumasok ng opisina kaya lumabas nalang ako. Sa labas ay ang cubicle ng sekretarya, abala ito sa pag-so-sort ng files kaya di nito napansin ang paglapit ko. Kahit nahihiya ay lumapit pa rin ako at kinapalan na ang mukhang magtanong sa kanya.. "excuse me po maam. Ahmm...wala pa rin po ang bossing natin? pag-aalangan kong tanong at pilit na na itinago ang ekspresyon ng mukha ko. "Ay, di mo alam ella? sabagay wala ka dito kahaPon, nagkaroon ng problema sa produkto nila, kaya madaling araw kanina ay lumipad si Sir Dave patungong UK. Binisita niya doon ang site ng pagawaan ng mga kabilya doon dahil may reklamong substandard daw yong nabili nila. Aburido nga 'yong ulo ni sir ei, kahapon pa 'yon. Naku, problemado, di na mangiti. tsssk...mahabang sagot ng sekretarya. Kaya pala hindi ko siya makita ngayong umaga. Umalis pala. Hindi man lang nag text o tumawag, kahit man sana galit sa akin atleast ipinapaalm ang lakad niya. tsssk himutok ng utak ko. " ano naman kaya asahan mo doon Mariella. Inaway mo nga di ba"..tsssk. s*t talaga oh. . Kumusta na kaya siya? Bigla akong nalungkot sa nalamang wala pala siya ngayon dito. Ang layo-layo pa niya. Paano ko siya makamusta. Sino kaya kasama niya. Kailan kaya siya babalik dito. sunod-sunod na tanong ko s akaing isipan. Bumuntong-hininga nalang ako at ginampanan ang aking trabaho. Wala rin naman na akong magagawa pa, better not to think it nalang siguro. Nagligpit na ako ng mga gamit at isa-isang nilagay sa utility room. Kumalam na rin ang sikmura ko sa gutom kaya dinalian ko na para makapagtanghalian. Sakto ring tumawag si Yanah para bababain na ako. Pagdating ko sa canteen ng building ay hinanap ko agad si Yanah. Di ko makita kaya kinuha ko ang phone sa bulsa para tawagan siya. Wala pa kasi akong masyadong kakilala doon. Piangtitinginan din ako ng iba. Di ko alam anong meron sa mukha ko bakit nakatingin sila sa akin. "Yanah, saan ka na dai...dito na ako sa baba"...sabi ko sa kanya over the phone. Paglingon ko ay nakita ko siyang kumakaway sa akin sa may pang-apat na upuan next to the group of employees na nakatingin sa akin kanina. Ngumiti ako at tinungo ang lamesa nila. "Ang tagal mo dai....salubong niya sa akin...may tinapos lang sa taas sis kaya sorry kung naghintay...pagpaumanhin ko sa kanila.. "by the way, mates, si Ella to, kaibigan ko.nasa top floor sya naka assign. Sis, mga kasama ko sa department namin. This is May and Sam ."... "di mo sinabi Yanah na may maganda ka palang kaibigan na nagtatrabaho dito, papoging turan ni Sam.. "Ano naman ngayon sayo Sam, hirit ni May na nakatawa. Nagkukulitan pa kami bago pumila para sa uulamin namin. Ang gaan ng pakiramdam ko sa kanila. Mga low key lang din which is yon talaga ang hanap ko ng mga magiging kakaibiganin ko. Thank God, mabait sila at di mapanghusga. Nakapagbayad na kaming apat at sabay na tinungo ang mesa namin. Habang kumakain ay nag-uusap usap din kami. "El, matanong ko lang, bakit ka sa utility maintenace nag-aaply, puwede kanaman doon sa HR department ah"...nagtatakang tanong ni Sam.. Nahiya man ay sinagot ko pa rin siya.. Sam di ako nakatapos...mag-aaral pa lang ulit ako ngayon sa college para may matapos na degree. kaya pagtiisan muna ang trabaho ko ngayon. okey lang din naman, di naman masyado mahirap ang trabaho ko kaya keri lang...paliwanag ko sa kanila. Marami pa kaming napag-sapan which made my day. At pansamantala kong nakalimutan si Sir Dave dahil doon. Pagkatapos namin ng tanghalian ay bumalik na kami sa bawat station namin. "El, puwede ba tayong sabay mamaya uuwi? hirit ni Sam sa akin"... "at bakit? si Yanah ang sumagot.. "Wala lang, masama ba? ngisi nito... "Ako nag kasabay ni Ella noh... "Eh, hatid ko na kayong dalawa, puwede lang ba Ella? nahihiya nitong tanong... "Kung okey lang kay Yanah bakit naman hindi.."..ngiti kong sgaot sa kanya habang nakatingin kay Yanah na tumaas bigla ang mga kilay nito. Nagkibit-balikat nalang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD