Mariella
Kinabukasan ay maagang nag chat sa akin si dave na di ako masundo dahil may bagong branch silang ipinatayo kaya busy siya at hands on sa project na iyon. naintindihan ko naman siya dahil busy talaga siyang tao, at ayaw ko namang maging sagabal sa kanya kaya suportado ko siya sa lahat ng bagay.
"Yanah, mauna na ako sayo hah" sigaw ko sa kaibigan kong nasa kwarto niya at nag-aayos na rin papuntang trabaho...
"Okey ingat ka hah bhest....sagot niya na nasa hambana na pala ng pinto ng kwarto niya.
"Ang ganda natin ngayon dai ah....bungad ko sa kanya. Nakasuot siya ng corporate attire, naka pony tail ang buhok at nagpahid ng kaunting make up sa mukha na lalong nagpapakinang sa kanyang simpleng kagandahan samantalang ako, nakasuot ng college uniform daladala ay mga libro. Okey lang atleast, may bagong simula para sa pangarap. Kumaway ako sa kanya bilang paalam.
"Ingat ka bhest"....pahabol niya sa akin...
"Ingat din sila sayo bhest...pabiro kong sagot at nagtawanan kami bago pa ako nakalabas ng bahay.
Habang nasa jeep ay binuksan ko ang aking notes dahil may quiz kami ngayong araw sa isa sa major subjects ko at pa minsan2 ay sinisilip kung may text o tawag mula kay Dave. Bumuntong hininga nalang ako at nadismaya ng kaunti pero hindi ko nalang pinansin dahil mas nagingibaw pa rin ang pagmamahal at pag-iintindi ko sa kanya.
Nagmamadali na ako sa paglalakad papasok ng campus ng may biglang tumawag sa pangalan ko...
"Mariella....." nilingon ko kung sino yon..Si Matt pala.
"Sa wakas, nakita rin kita..kanina pa kita inaabangan dito sa gate ei...sabi niya sa akin..
"At bakit mo naman ako hinihintay, aber? medyo naiirita kong tanong sa kanya lalo't malapit na ang oras ng klase at lalong mahuhuli ako kapag pinatagal pa ang isapan namin.
"Ei kasi, gusto ko lang makasabay ka...sagot nito habang pa kamot2 sa ulo na hindi naman bagay lalo't pinagtitinginan kami ng iba pang mag estudyante roon.
"tara na nga, ma le late na ako eh....yaya ko sa kanya..
"Ako na magdala ng mga books mo, alok niya sa akin..
"Okey lang promise. let's go"...yaya ko sa kanya at sabay nga kaming pumasok ng campus.. Nahuli ko pa siyang nakatingin sa akin bago ko itinuon ang tingin sa hallway...marami rami pa rin ang mga estudyante sa may hallway habang hinihintay ang kanilang prof samantalang ako ay patuloy lang sa paglalakad..May ibang bumabati kay Matt, siguro kilala siya...Sabagay, muka ngang rk, hunk at playboy style ang dating kaya marami din ata nagka crush dito...Dahil may bumabati pa sa kanya ay nauna na ako pumasok sa silid-aralan. BUti nalang wala pa ang proof namin. Pumwesto na ako sa upuan ko habang ang katabi ko ay sobrang tahimik naman. She is Amelia pero mukha namang mabait, di lang napangiti. She is at my age rin ata...
Concentrate lang Ako sa discussion ng proof namin after the quiz. I feel relieve dahil nakapasa ako which means nag bunga ang pagsusunog ko ng kilay kagabi. Natapos ang klase namin ngayong Umaga na di Ako masyadong kinulit ni Matt na nasa likuran ko lang. Nagligpit na Ako ng gamit at magtatanghalian na..
"Ella, sabay na tayong mag lunch."..Yaya ni Matt sa akin..
"Naku 'wag na..doon ka na lang sa mga barkada mo"..pagtataboy ko sa kanya...Sa totoo lang, I felt u easy sa presensya Niya. Napepreskohan Ako sa attitude Niya Minsan kaya I don't want him to be around with me or make friends with me. Plus the fact na baka malaman ni Dave at iba ang managing interpretasyon sa kanya, maging simula pa ng away..
"Ella, bakit mo ba Ako pinagtatabuyan na parang may nakakahawa Akong sakit.." tugon Niya sa akin na may hilig pagtatampo.. Medyo na guilty naman Ako doon sa sinasabi Niya kaya pinahintulutan ko nalang..
"Ella, gusto Kong makipagkaibigan Sayo...sabi Niya habang nakaupo kami sa pandalawahang mesa sa canteen ng school.
"Matt, mukhang Marami ka naman ng friends, wag mo na Ako idagdag kaya....casual na tugon ko sa kanya habang sumusubo ng pagkain.
"Di porket Marami Akong friends ay di na puwede makipagkaibigan sayo?
tanong niya pa.
"Di naman sa ganoon. Matt, di tayo magka level ng katayuan sa buhay. di ko masasakyan ang trip mo o ng mga kaibigan mo".
Di siya umimik. Patuloy lang ako sa pagsubo ng pagkain.
"Ganoon na ba kababa ang tingin mo sa akin, Ella? Namimili na pala ng status sa buhay ngayon ang pakikipagkaibigan? Di ko na inform may requirements pala..sabi niya sa akin na hindi na tinuloy ang pagkain at bahagya pang nakailing na parang nadismaya
..na guity akong bigla. Oo nga naman, parang ang harsh ko naman bigla, parang ka judgemental ko ng tao...Sabagay kahit medyo napepreskohan ako sa kanya, sa ilang araw na nakasabay ko siya, mukha namang mabait at gentleman.
"Di ah. Nagtampo ka? tanong ko sa kanya at pilit na pinapangiti..
"Magtatampo kapag di mo tanggapin pakikipagkaibigan ko sayo"...seryoso niyang tugon
"Pero ngingiti na yan"...panunudyo ko sa kanya.
"Matt, alam kong mabait ka, kung pakikipagkaibigan ang gusto mo, sige, ibibigay ko yan sayo, Pero wag talaga akong magulo hah, baka pala may girlfriend ka at bigla akong susugurin, naku mababatukan kita!
"Promise wala, ella! Magkakaroon pa lang, nakangisi niyang sagot.
"Umiiling nalang ako sa kakulitan niya..
Mula ng maging kaibigan ko si Matt ay halos palagi na siyang nakadikit sa akin. Minsan, napagkamalan na kaming magkasintahan which is, palagi kong iginiit na hindi. My life went on a routine for how many months as a college student. Doble kayud lalo't sa gabi ay nagtatrabaho pa rin ako. Kaya naman, Time management is the key. On the other hand, Dave is still the same with me, palagi akong tinitext kapag nasa school, at minsan sinusundo kapag may vacant time siya. Yun nga lang, busy pa rin siyang tao, at hindi ko rin masyado pang inalam ang lahat ng galawan niya at kung saan siya. Wala rin namang mintes ang pagpaparamdam niya sa akin na mahal niya ako. And I am very okey with that. Pararating na ang charter day anniversary ng School namin at lahat ay binigyan ng task na magawa lahat ng mga preparasyon tungkol dito. Yumuko nalang ako ng nauna ng magpresinta si Matt sa prof namin na e partner ako sa kanya. Pero dahil tatlo dapat sa isang grupo, kinuha ko nalang din si Amelia na tahimik lang sa gilid ko.
"Amelia, okey lang sayo na tayo ang magkasama? paninigurado ko sa kanya..
"Oo naman. Walang problema". Tipid niyang tugon sa amin.
I was relieve dahil atleast tatlo kaming magkakasama sa task na gagawin, at hindi masyadong awkward lalo na sa part ko. Iba na kasi minsan ang galawan ni Matt kapag kami lang magkasama, palaging nagpaparinig which I really don't like. Maaga kaming dinismiss ng prof namin para may oras pa kami na magplano sa mga gagawin namin in preparation sa anniversary ng school. We were busy at di namin namalayan ang paglipas ng oras.. Nakaligtaan ko rin ang cellphone ko na e check..It was already 5pm at may duty akong 6:30 ng gabi sa coffee shop. Kaya minadali namin ang work na tapusin ito bago sasapit ang 5:30 dahil may hinahabol akong trabaho. Buti nalang talaga hands on din sina Matt at Amelia kaya madali naming natapos ito, and we wrapped up things.
"So, paano...mauna na ako sa inyo hah...Amelia, Matt...thank you for today..may trabaho pa ako kaya mauna na ako hah.."
Natulala lang sila sa sinasabi ko.
"Nagtatrabaho ka? tanong ni Matt..
"Oo naman noh, ano bang ipangtustos ko sa sarili ko kung hindi ako magtatrabaho....anyways, saka na ang chika sa buhay ko hah..Matt, pakiingatan si Amelia..Bye...paalam ko sa kanila sabay kindat..
Malapit na ako sa gate ng school ng mapansin kong nagkukumpolan ang mga babaeng studyante doon. I looked at them at nakita ko kung sino ang pinagtitinginan nila. Its Dave. So nandito pala siya. Ngumiti ako pagkakita sa kanya at ganoon din siya. Lumapit siya sa akin at hinapit ako sa beywang at iginaya patungo sa pinto ng passengers seat.
"Babe, bakit ka na naman nakatambay doon sa labas. Puwede ka naman dito nalang s aloob ng sasakyan maghintay ah. Pinagtitinginan ka doon"...sabi ko sa kanya habang tiningnan ko siyang isinukbit ang belt sa katawan ko.
Tiningala niya ako. Nabigla ako ng kamuntik ng magpang abot ang mga labi namin, I am speechless. Ayokong magsalita dahil kapag ibinuka ko pa ang mga labi ko ay siguradong sa lips niya la landing. Hinawakan ni iyong mga labi ko... babe....sabi niya sabay halik sa mga labi ko. That was hot. Minsan na niya akong nahalikan before and the same intensity was there. Parang may humahalungkat sa kaibuturan ng tiyan ko na hindi ko mawari. Para akong nakukuryente. And I was speechless.
"I love you babe, and I miss you"...sabi niya sa akin na puno ng pagmamahal. Naiiyak na ako sa sobrang saya ko. How can I live without him. aughhh! Masaya kaming nagkukwentuhan habang angmamaneho siya. Kinumusta ko rin siya sa work niya at doon bigla siyang natahimik.