CHAPTER 4

848 Words
BIHIRA na lamang tumapak sa mansiyon ng mga Mariano si Charlie mula nang mamuhay siyang mag-isa sa Bachelor’s Pad. Kaya gulat na gulat ang security guard at lahat ng mga kasambahay nang bigla siyang dumating nang gabing iyon sa mansiyon. Nakakuyom ang kanyang mga kamay at nakatiim ang mga bagang sa pinipigil na galit.      “Charlie? Nakakagulat naman ang pag-uwi mo. Hindi ka nagpasabi!” manghang bulalas ng kanyang mama na sumulpot mula sa itaas ng grand staircase. Nakapantulog na ito.      “Nasaan si Lolo?” Dumagundong ang kanyang boses na ikinagulat ng kanyang ina.      “Galit ka ba? Bakit?” nag-aalalang tanong nito na nagsimulang humakbang pababa ng hagdan. Subalit napahinto rin nang sumulpot mula sa itaas si Lolo Carlos.      “Bakit nandito ka, Charlie? Huwag mong sabihing iniwan mong mag-isa si Jane sa restaurant?” Magkahalong pagkamangha at galit ang nasa mukha at tinig ng abuelo.      Lalong uminit ang ulo ni Charlie dahil ang lolo pa niya ang may ganang magalit. When all along, he was the one being manipulated. “Sinabi ko na sa inyo na ayoko ng fiancée pero hindi kayo nakinig. Worse, hindi niya rin alam na fiancée ko siya. Lolo, how could you manipulate someone like that? Ako, sanay na, pero siya ay walang kaalam-alam sa plano mo.”      Gusot pa rin ang mukha ni Lolo Carlos. “Alam ng mga magulang niya ang tungkol dito. Hindi ko sinabi kay Jane dahil gusto ko siyang sorpresahin.”      “Well, pareho kaming nasorpresa! Kaya umalis ako agad para makita ka.”      Suminghap ang kanyang mama. “So, iniwan mo talaga siya sa restaurant at nagpunta rito, Charlie, hijo? That was awful.”      Mabilis na napabaling siya sa kanyang ina. “`Ma, alam mo rin ang tungkol sa plano ni Lolo?”      Tiningnan siya nito na para bang obvious ang sagot sa tanong na iyon.  “Oo naman. Ako ang nanay mo. Alam din ng papa mo. At lahat kami ay payag na si Jane ang mapangasawa mo.”      Pakiramdam ni Charlie ay lumobo ang kanyang ulo sa rebelasyong iyon. Napahugot siya ng malalim na hininga upang kalmahin ang sarili. He had to have nerves of steel, not only inside the courtroom but in front of his family, too. “Pero ako, hindi payag sa kasal na ito.”      Naningkit ang mga mata ni Lolo Carlos. “Seryoso ako sa sinabi ko kanina sa telepono, Charlie. Kapag tumanggi ka, kalimutan mo na ang mamanahin mo sa akin.”      Tumiim ang mga bagang ni Charlie. Gustong-gusto niyang sabihin na wala siyang pakialam sa mana na ipinanakot nito pero hindi niya kayang gawin. Kailangan niya ang mamanahin para sa ambisyon niya sa buhay. At base sa ngiting sumilay sa mukha ng kanyang lolo, alam niyang alam din iyon ng matandang lalaki.      “Huwag kang mag-alala, bibigyan ko naman kayo ng dalawang buwan para kilalanin ang isa’t isa bago ang engagement party ninyo. Para sa mismong gabi ng party, in love na kayo sa isa’t isa. Ayokong isipin ng mga darating na bisita na napipilitan ka lang sa kasal dahil makakasama iyon sa imahen ni Jane. She’s a good girl and we don’t want her to be caught up in any nasty humors,” sabi pa ni Lolo Carlos.      Mas inaalala pa ng kanyang lolo ang babaeng iyon kaysa sa kanya? Marahas na napailing si Charlie. “Pero kung siya ang aatras sa kasal, papayagan mo?” tanong niya.      Nagkibit-balikat ang abuelo. “Kung taos sa puso ni Jane ang desisyong `yon, oo. But that is impossible so don’t get too happy.” Ngumisi ito.      Kumunot ang noo ni Charlie. “Bakit mo nasabi `yan?”      Nagkatinginan si Lolo Carlos at ang kanyang mama, pagkatapos ay ang ina ang nagsalita.      “Why? Because Jane loves you very much, Charlie. Hindi ka namin ipapakasal sa babaeng hindi ka mahal.”      Hindi nakahuma si Charlie. Bigla niyang naalala ang mukha ni Jane kanina sa restaurant. Nakita nga niya sa mukha ng dalaga na may damdamin ito para sa kanya. Pero duda siya kung kasinlalim iyon ng iniisip ng kanyang mama at lolo. Malamang, katulad din si Jane ng ibang babae na attracted lang sa kanya dahil sa kanyang propesyon at pisikal na anyo. Bakit hindi? Hindi naman sila personal na magkakilala. Paano siya mamahalin ng babaeng hindi naman malapit sa kanya? So basically, she was just in love with his physical appearance and standing and not with the real him.      Ibig sabihin, kahit nagulat si Jane kanina, hindi ibig sabihin na hindi ito sang-ayon sa engagement. At malaking problema iyon para kay Charlie.      God, this is troublesome. Damn!      Tumalikod na siya at nagsimulang maglakad patungo sa entrada ng mansiyon. “Aalis na ako,” hindi lumilingong paalam niya.      “Be sure to meet with her again, do you hear me? Malalaman ko kung gumagawa ka ng paraan para magkakilala kayo o hindi, Charlie!” habol ni Lolo Carlos.      Tumiim ang kanyang mga bagang pero hindi na sumagot. Kailangan niyang mag-isip ng plano para hindi matuloy ang kasal.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD