LATE na nakabalik sa trabaho si Jane matapos ang lunch date kasama si Charlie. Hindi sila masyadong nag-usap dahil kahit pa sinabi ng binata na libre ito ay ilang beses na may tumawag sa cell phone nito kaya halos nakababad din sa telepono. Pero hindi naman siya nainip dahil inabala niya ang sarili sa pagtitig kay Charlie. Napansin niya na kapag kliyente ang kausap nito ay nag-iiba ang ekspresyon sa mukha. Nagiging intense at passionate. At tuwing napapatingin ang binata sa kanya habang may kausap, pakiramdam ni Jane ay may kuryenteng kumakalat sa kanyang buong katawan. Ganoon katindi ang epekto ng mga mata ni Charlie sa kanya. Paano pa kaya kung talagang para sa kanya lang ang intensidad at passion na iyon? Na medyo hindi pa posibleng mangyari. Napahugot si Jane ng malalim n