Kaba

2673 Words
“Wag mo masyado ka titigan kuya baka biglang lumipad.” bulong ni Ruby habang inaayos ang niluto sa isang lagayan habang si green naman ay kumukuha ng plate at tinidor sa lagayan pero ang mata lampas sa balustre patungong salas at pinapanood sina Chloe at mga bata na nag lalaro ng barilan. Di nya maiwasan na mapangiti kapag nakikita nya na kunwari tatamaan ang dalaga at matutumba ito sa sahig at na ngingisay pa. Bigla na bura ang ngiti ni Green at umiwas ng tingin at nag tungo na sa mesa dala dala ang mga kinuha. “Crush lang kaya yan o mas malalim sa crush. Puwede na bang pamalit kay beshy.” “Hell no! Im just —— im… im just… di matuloy tuloy ni Green ang gusto nyang sabihin dahil di rin nya sigurado ang gusto nya. Gusto nya itong iwasan, Ayaw nya ng makita ito hanggat maari, Malakas talaga ang pakiramdam nya na sakit ito sa ulo, Ang dami nitong katangian na ayaw nya sa isang babae. Ilang beses na syang na turn off rito pero he found him self thinking that he might see her kung pupunta sya sa bahay ng mga magulang. And by accident nakita nga nya ito sa court kaninang umaga. And ewan nya pero natuwa sya ng makita itong nakikipag bardagulan sa mga binatilyo ng subdivisions nila na mahilig mag laro ng basketball kung saan madalas din syang maglaro basta naligaw sya sa mansion ng parents nya. Di naman nya akalain na hahalikan at hahawakan nito ang patola nya kaya na windang ng husto ang systema nya. Kung tutuusin normal dapat sa kanya yun dahil higit pa naman dun ang nagagawa sa kanya ng ibang babae at gustong gusto nya. Pero daig pa nya ang teenager sa naging reaction sa ginawa nito. pakiramdam nya ayaw nyang pinaglalaruan sya ni Chloe. Hindi nya gusto ang galawan nito. Oo kanina lantaran ang pang mamanyak nya rito di nya mapigilan pero malay ba naman nyang di ito magagalit instead nakipag sabayan pa ito at sya ang nailang. Hindi nya kinakaya ang galawan ng dalaga pakiramdam nya girl version nya ito maloko. “Im just ano kuya.. sige lang push mo yan’ ngisi ni Ruby saka tinawag ang mga anak at si Chloe. Na akala mo kung sino si Santa kung kumilos. Masyado pa demure para itong mahinhing maria clara sa harapan ng pinsan nya. Ngingiti ng pino at ang mga galawan kala mo taga high society. Saglit na nag paalam si Ruby dahil nag riring ang phone nito sa sala. Inintindi naman ni Chloe ang anak ng pinsan nya na pinaglagay ng pagkain sa plato. “Anong drama yan? Nag papalapad ka ba ng papel sa pinsan ko.” ayun nanaman ang ngisi ni Chloe na saglit na lumingon sa sala bago sa mga batang busy na sa pagkain. “Di ko kasi alam kung anong tipo mo babae. Yung homey ba na tulad ni Ruby o yung girly na astig na tulad ni Audrey.” nag salubong ang kilay ni Green na nagtaka. “kilala mo si Audrey. Stalker ka talaga.” bulalas pa ni Green. Napalingon naman si Chloe sa dalawang batang napatingin sa tiyuhin pero deadma lang nag kibit balikat naman si Chloe nun naman pumasok si Ruby. “Sabi ni Tita umuwi ka daw sa bahay nyo. Subukan mo daw na di umuwi itatakwil ka na daw nya.” tumirik naman ang mata ni Green. Ilang beses ng ginawa iyon ng parents nya para lang rendahan sya pero walang nagawa ang mga ito. Wala naman kasi problema na uwi sya sa kanila mas gusto naman talaga nya sa meadows umuwi kaso lang kapag nandun sya kung sino sinong babae ang inirereto sa kanya ng ina. “I don’t give a damn.” sagot ni Green saka napatingin kay Chloe na kita nya ang pag asim ng mukha saka napailing. After nitong kainin ang isang platong malabon agad na itong nagpaalam na aalis. Meron daw kasi ito bibilin na condo titingnan daw nito kung okay. Gusto sana nyang samahan ito pero nag dadalawang isip pa talaga sya. Iba talaga yung kabang idinudulot nito sa kanya. Idagdag pa na kilala pala nito si Audrey nasa roller coaster pa ang relasyon ni Allen at Audrey. Baka pati ito makigulo pa tama ng si Cheska nalang ang manggulo sa mag asawa. “Iba na yan kuya mukhang tinamaan ka na.” “Ewan ko sayo.” ani Green at tinuloy ang pagkain. tatawa tawa naman si Ruby. - - - - - - - - - - “Hi loverboy.” “Chlodette.” umasim naman ang mukha ni Allen ng makita ang babaeng papasok ng condo building nya. “Kelan ka pa dumating?” “Di naman ako umalis.” ngisi ni Chloe. “Saan ka nag susuot bakit ngayon lang kita nakita after 20 years.” “Nag aral malamang.” “Kamusta sila Tita at tito.” “usual pa din.” “Infairness naman sayo mukha ka ng tao.” biro ni Allen. Nakakaloko naman umikot pa si Chloe. “Ikaw lang e wala kang tiwala sa hormones ni Daddy.” tumawa naman si Allen. “Saan ka galing? bubuntot ka nanaman ba sakin. Di na puwede may asawa na ako.” “Alam ko akalain mo kayo talaga ang nagkatuluyan. Di ba kayo nagkasawaan dalawa.” “It’s a long story. Saan ka nga galing.” “Doon sa kabilang building may binili akong condo.” tumango naman ito. “Wait me here may kukunin lang ako sa condo. Lunch tayo later after ng pictorial ko.” ani Allen saka nag mamadaling umalis wala pang 10 minutes bumalik na ito. Isinama sya nito sa lakad nito dahil wala naman syang gagawin kaya sumama nalang sya. Di nya inaasahan na model pala ito at isang product endorser. Habang iniintay nya ang pinsan. Nag scroll sya sa mga social media site tungkol kay Allen. Talagang tumaas ang kilay nya sikat pala ito bukod sa pagiging guwapo. Marami pala na talaga itong achievement. Sikat na din pala si Audrey dahil sa nga t****k ng dalawa. “Hi! i heard na pinsan ka ni Macky. Im Moneth handler ni Macky.” pakilala ng babae na nag abot pa ng calling card at kamay nito. “Di ko kasi maalis ang mata ko sayo. Ang ganda at sexy mo kasi.” kimi naman ngumiti si Chloe. “Baka gusto mong maging model at product endorser din gaya ni Macky. “No i don’t think so.” “Kapag gusto mo tawagan mo nalang ako dyan in case na mag bago isip mo.” ngumiti naman syang tumango. Muli syang nag scroll at nakita nya ang isang controversy tungkol kila Allen at Audrey kasama si Green at sa babaeng nag ngangalang Cheska. Saglit nyang binasa ang article at nakaramdam sya ng pikon sa babaeng bold star na cheska ang pangalan. Ibang klase ayon sa news si Allen ang long time boyfriend nito pero hindi pala totoo dahil di umano si Green ang totoong boyfriend nito. May ilang mga picture na nag patunay na may intimate involvement talaga si Green sa boldstar. Inistalk nya ang ilang photo ni Cheska at karamihan nudes at revealing. Halatang halatang peke ang dede ng babaeng ito. Ganun bang size ang gusto ni Green cocomelon na matigas. napatingin sya sa dibdib nya saka napangisi ng may maisip. tumayo sya sa kinauupuan at nilapitan ang babaeng moneth ang pangalan at saglit na nakipag usap rito. - - - - - - - - - - Tahimik na pinapanood ni Chloe ang interview ni Green sa tv sa pag amin nitong sya ang totoo ka relasyon ni Cheska at hindi si Allen. Di nya maiwasan na hangaan ang binata kahit minsan wala itong inamin girlfriend pero bigla alang alang sa pag mamahal nito kay Audrey na obvious naman isinugal nito ang reputasyon bilang notorious playboy para lang sagipin ang relasyon nila Allen at Audrey. Pinatay nya ang tv at nahiga sa kama nya habang nakatingin sa kisame. Naroon na sya ngayon sa bago nyang condo. Sa pagkakakilala nya kay Green sa loob ng ilang buwan na rin inakala talga nyang maloko lang ito pero ngayon nag dadalawang isip na sya. Puwede itong tirikan ng kandila sa luneta sa pagiging dakilang kaibigang martir. Ibang klase din itong mag mahal wagas tama pala ang pinsan nito. He’s in love with his bestfriend wife pero wala itong ginagawa para masuklian ang pag mamahal nito. Instead tumutulong pa ito na maging maayos ang pag sasama ng dalawa. Huminga sya ng malim saka bumangon. Hindi rin naman sya makakatulog parang na mamahay sya. Kailangan muna nya mag lakad lakad di na sya nag palit ng damit pinatungan nalang nya jacket ang pantulog nya. Maiksi lang ang suot nyang short kung may mangbastos naman sa kanya hospital ang babagsakan ng kung sino mang bastos sa kanya. After isarado ang zipper ng jacket kinuha nya ang wallet at cellphone sinilid sa bulsa ng jacket saka ang expandable nightstick na isinabit nya sa braso. Mas madalas baril ang dala nya at syempre lisensyado iyon for emergency purposes lang naman mahirap na. di man sya naging popular agent noon nasa police pa sya. Marami na din naman syang nakabanggang mga bigatin tao kaya kailangan pa rin nyang protektahan ang sarili. isinuot nya ang flip flops nya saka lumabas. Manginginain sya sa isang night market na nakita nya malapit doon sa condo nyang bagong bili. may 1 kilometer din ang layo pero tinatamad syang dalahin ang motor kaya di na sya nag bihis. Alam nyang aagaw sya ng pansin sa suot nyang satin short na kulay pink dahil halatang pantulog iyon. idagdag pa ang turban nyang nakakabit sa ulo nya na meron dalawang malaking mata. Si Elmo iyon ng sesame street. Nag hilamos sya kanina at nag lagay ng facial mask kaya di na nya tinanggal. Halatang halatang patulog na sya sa hitsura nya pero hindi pa sya inaantok at biglang nakaramdam na gusto nyang manginain ng street food at mga inihaw. “Hi! Miss.” wika ng isang grupo ng lalaki na tumabi sa kanya habang kumakain sya ng isaw. Saglit nyang tiningnan ang 4 na lalaki na nakatingin sa hita nya. “Delikado sa gabi miss lalo kung lalabas ka na ganyan ang suot. Ihatid na kita saan ka ba nakatira.” “Asawa ko!” sabay sabay pa silang napalingon sa lalaking papalapit. Tumarak naman ang mata ni chloe ng makita si Green. After 4 weeks na di nya ito nakita medyo sumikdo ang t***k ng puso nya. Naging busy kasi sya sa binili nyang condo. “Asawa mo sya?” Tanong pa ng lalaki sabay turo kay Green. “Hindi rin ako na informed.” tamad na sagot ni Chloe saka kumuha pa ng isang stick ng isaw sabay ngiti sa tindera na halatang biglang kinilig pag ka kita kay Green. “Diba sinabi ko na sayo wag kang lumalabas ng ganyan hitsura baka mahamugan ang bunbunan mo.” wika pa ni Green ng makalapit at mabilis pang humalik sa ulo nya. “La fradez” “You know me.” “Diba ikaw yung PBA player na boyfriend ni Cheska.” natawa naman si Chloe. “Ang totoo nya. Kabit ko lang sya.” kunwari ay bulong pa nito. Napailing naman ang mga ito na tumingin pa muna sa kanya na halatang nag iintay pa kung may sasabihin sya.” “Uwi na kayo delikado sa mga lalaking tulad nyo ang pakalat kalat sa labas. Maraming babaeng rapist ngayon.” Wika ni Chloe sabay ngiti sa mga ito. Humagikgik naman ang ang tindera. Napapakamot naman ng ulo ang mga lalaki na tumalikod. “What the hell are your wearing.” inis na bulong naman ni Green ng mawala na ang mga lalaki saka ito nag palingon. Madaming tao roon mostly mukhang lovers pa ang karamihan na nag dadate sa nightmarket na tulad nito na murang mura lang nag enjoyed ka pa. Nakatingin sa kanila ang karamihan pero kanina naman may napapatingin nag bubulungan dahil nga sa suot nya tas naka tsinelas lang sya pero ngayon literal ng sa kanila nakatingin at hindi iyon dahil sa kanya. Malamang dahil kay Green na sikat na sikat ngayon sa tv dahil sa controversy. Tas lakas pa ng sigaw nito kanina ng asawa ko! malamang talagang sila ang pagtitingnan. Hinubad ni Green ang jersey jacket nito saka iginapos sa bewang nya na di na nya inintindi pero lintik na puso nya di mapakali. Pinipilit nyang ignorahin ang ginagawa ni Green pero ang hirap. Hindi nya napaghandaan ang kakaibang damdamin nya ngayon lang nya naramdaman. “Kaya ko ang sarili ko.” wika nya sabay pindot sa hawak nyang nightstick at humaba iyon ng 20 inches. Idinikit nya iyon ng bahagya stand ng ihawan at bahagya iyon umilaw at lumagitik para lang ipakita kay Green na may voltage ang hawak nyang stick may pindindot lang ulit syang maliit na button sa handle at umiksi ulit iyon. “But still it’s not the proper clothes to wear kung pupunta ka sa ganitong kataong lugar.” “Hindi sila sa akin nakatingin sayo po dahil if you may not know sikat na sikat ka na ngayon sa TV at headline sa Entertainment news. Saludo na ako sayo boss ikaw na talga.” “Kaya ba bigla ka nalang nag evaporated at di nakita nakitang pakalat kalat kahit sa subdivision nyo.” ngumisi si Chloe na nilingon ito. “Na miss mo ako?” “Of course not.” “e bakit mukhang pabalik balik ka sa meadows.” ngumiti naman si Green. “Because my parents also leaves there. Wag ka kasing assuming.” tumawa naman si Chloe ng mapansin ang tindera na parang pigil na pigil na ang sarili na tumili. Marahil ay fans ito ni Green. “Gusto mo ng authograph sa asawa ko.” tanong nya rito. “Puwede po ba?” hiya pang tanong nito. “Aba oo naman. Asawa ko pa autograph daw si Ate.” ngumiti naman si Green na agad na inabot ang ballpen at papel na hawak nito pero dahil dun bigla nalang silang dinumog ng ilang fans na nakitang nag bigay ng autograph ang binata. Nakaramdam naman ng konsenya si Chloe ng makitang pilit nalang ang mga ngiti ni Green sa mga nag papaselfie rito. Napabuga nalang sya ng labi na nilapitan na ito at hinawakan ang kamay saka hinilang patakbo palayo sa roon. “My car is there.” turo nito sa kabilang dereksyon na syang tinungo nila. May ilang fans na humabol humingi nalang sila ng pasensya saka umalis. Inihatid sya nito hanggang sa condo nya. Ayaw sana nya pero nag pumilit ito dahil makikiinom daw ito. binigyan naman nya ito ng tubig pag karating sa kusina. “Hindi ka ba na iinitan sa suot mo.” tanong pa nito after ubusin ang bote ng tubig ng mineral na inabot nya. “Nope! Mamaya na ako mag huhubad pag alis mo maliligo din naman ako amoy usok ako.” aniya. “Tsupi na naka inom ka na.” taboy nya rito. “Asan na ang trash can mo.” tanong pa ni Green para itapon ang hawak na empty bottle. “Ako na.” lumapit si chloe rito at kinuha ang bote pero nagulat si Chloe ng hilahin ni Green ang braso nya saka sya hinalikan sa labi. Saglit lang iyon na parang sinubukan lang nitong halikan sya. napalunok si Chloe ng maghinang ang mga mata nila ni Green. Ang bilis ng t***k ng puso nya lalo pat umangat ang dalawang kamay ni Green ng bitawan na nito ang hawak saka ikinulong ang pisngi nya. Nakatitig lang ito sa kanya hindi nya kayang i explain ang emosyong nakikita nya rito ngayon. Nang unti unting lumapit ang mukha ni Green gusto sana nyang umatras dahil pakiramdam nya wala syang tiwala sa sarili nya. “Please.” mahinang bulong ni Green bago nito tuluyang sinakop ang labi nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD