Begin Again

2392 Words
“sorry po sa mga readers ko na na inip na sa kakaintay ng update ng mga free story ko,. pasensya na po ng marami naging marami lang po kasing ganap sa buhay., rumaket ng bongga ang author para sa salapi hehehe.. > Game on na po ulitt naman ni Chloe ang kamay ng nobyo saka pinag salikop ang mga daliri nila. “Hindi ka ba na tuturn off dahil im a hired killer before.” Napalingon sandali si Green saka sandaling nag isip. “Mag kaiba naman ang hired killer sa serial killer diba. Ang hired killer pumapatay ayon sa pera ang serial killer pumapatay kasi dun sila masaya. Ikaw masaya ka ba kapag nakakapatay ka?” kumunot ang noo ni Chloe. “Kung masaya ka na nakakapatay ka ng tao then our relationship won’t work pero kung pumapatay ka ng may basehan. I can understand that dahil minsan talaga kailangan mag bawas ng masama sa mundo.” napangiti si Chloe sa explaination ni Green. “I also heard na dati kang police agent. so normal talaga sayo ang pumapatay ng masamang tao.” napangibit si Chloe. Siguradong si Allen ang nag sabi dito. “Bakit ka nag resign sa trabaho.” napabuga ng hangin si Chloe. “My parents ask me so i agree.” nalukot ang mukha ni Green. “Iyon lang ganun lang sumunod ka lang dahil gusto ng parents mo.” tumango si Chloe. “Ikaw ba kapag nakita mo ang mama mo na umiiyak at nakikiusap na iwan mo na ang trabaho mo dahil delikado. Hindi ba mahahabag ang damdamin mo.” napaisip si Green saka tumango. “sabagay may point naman pero kidding aside di mo naman siguro ako iiwan kapag umiyak at iutos sayo ng parents mo na iwan ako diba.” tumawa si Chloe. “Wag na muna natin isipin yun meron tayong 3 months sulitin muna natin yun.” “Pero alam mong hindi ako mag sesetle sa 3 months lang Chloe. So ngayon palang gusto kong marinig ang sagot mo.” “Hmmmm! ang possesive… oo na okay! Di kita iiwan kung wala kang gagawin kalokohan pero ito ang tandaan mo kapag ako niloko mo. Mag kakamustahan kayo ni San Pedro.” natawa naman hinalikan ni Green ang kamay ni Chloe. “Ano pa bang hahanapin ko sa ibang babae na wala sayo.” “asus ayan tayo e. Dinadaan mo ako sa bola wag ako Green. Kilala ko ng karakas mo.” tawang tawa naman ang binata. “I pick you up later let’s have dinner together.” “I can’t tonight i memeet ko si Darlene.” “Can i come.” “Wag na di naman ako mag tatagal dun meron lang kaming pag uusapan.” “Dirty job?” hula ni Green. Nag kibit balikat si Chloe. “Kota na ako dyan graduate na ako. rest assured no more dirty jobs promise.” ani Chloe na nag taas pa ng kanan kamay. “I love you.” turan naman ni Green. Nakatitig lang si Chloe kay Green di nya alam kung tatawa ba sya o kikiligin. “Wala man lang reply.” labi ni Green napangiti naman si Chloe sa asal bata nito. “Thank you.” malakas naman tumawa si Green. “Wala na bang itotodo yang sagot mo.” “Pag iisipan ko later okay.” “Nahihiya ka lang ata e. Sige okay lang na niniwala naman ako sa saying na action speak louder than voice pero minsan gusto ko rin marinig syempre.” mabilis naman dumukhang si Chloe at hinalikan sa pisngi si Green na bahagya pang nagulat. “Hey’ don’t do that kapag nag dadrive ako make it fair.” ngisi ni Green. “Bagay talaga sayo ang pangalan mo. Ang berde lagi ng utak mo.” napahalakhak nalang si Green. Agad naman din nagnakaw ng halik ang binata ng pababa na sana sya ng sasakyan nito ng makarating ng school. Noong una smack kiss lang pero ng kabigin na sya ng tuluyan para mahalikan sya sa labi di na sya nag pakipot pa agad din syang gumanti sa mainit nitong halik kung di lang sya nag aalala na may makakita sa kanilang studyante hahayaan na muna nya si Green na mag sawa. Umungol pa ito ng bahagya yang itulak at nag mamadaling nag paalam sa nobyo na napilitan na din kumaway. ********* “Fiona Rigor.” mahinang usal ni Chloe ng makita ang folder na inabot sa kanya ni Darlene. Nag angat sya ng tingin at napatingin kay Darlene. “She’s back from L.A. gusto ng kliyente ko na sundan sya kahit saan sya mag punta 24hrs hour sa loob ng 1 month.” “Why?” ngumisi si Darlene. “You know im not asking why to the client.” napatango naman si Chloe. Oo nga pala bakit nga ba nag tatanong pa sya e alam naman talaga nya na pera pera lang talaga ang lakaran nito. “Walang utos na patayin sya basta bantayan lang at malaki ang ibinayad nila so sayang naman kung tatangihan ko sila pero dahil di ko kayang gawin yun 24hrs dahil napapadalas ang kirot ng legs ko ikaw agad ang naisip ko.” “But i have my job.” pagak naman tumawa si Darlene. “Being a teacher come on Chloe sinasayang mo ang skills mo.” “Diba mas sasayangin ko ang buhay ko kung mag sstick lang ako being a hired killer. Parang mas meron logic yung pagiging teacher ko kesa tumanggap ng maruming gawain.” ngumisi si Darlene sabay upo sa tapat nya. “Alam ba ng parents mo after mong umalis sa pagiging pulis pumasok ka sa isang maruming trabaho.” gustong mag pantig ng tenga ni chloe buti nalang wala syang dalang baril ngayon dahil from school dito na sya dumeretso. “Get to the point Darlene.” prenteng sumandal sa upuan si Darlene at nag crossleg pa. “Tulad ng sinabi ko kanina sa phone huling hingi ko na sayo ito ng pabor after this hindi na kita kukulitin. Amanos na tayo puwede mo na rin itigil ang pag sustento sa akin. Gawin mo lang tong trabahong to.” na iinis na napasuklay ng buhok si Chloe. Muli nyang tiningnan ang picture ni Fiona. Sa dami dami naman ng tao sa mundo bakit ito pa ang kailangan bantayan ang kilos at sino kaya ang kliyente nito na nag papabantay kay Fiona. Inis na tumayo si Chloe bitbit ang folder ng details ni fiona. “consider the job done.” turan nya saka umalis na ng di lumingon. Noon naman tumunog ang phone ni Darlene at sinagot iyon. “Yes sir. Tinanggap nya ang trabaho this will be the end of her.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD