Chapter 2

1907 Words
Chapter 2 It's been what? Six years? Six years have already passed. I could not forget it. I just can't. "Wow! Tomorrow we should try to swim in their falls. And maybe a picnic after? I just want to tour around this place! I will discover a lot! I'm so excited!" Tulala lang ako habang nagsasalita si Charly. Coincidence? "Charly, can we go to Palawan instead?" wala sa sarili na tanong ko kaya napatigil siya sa pagsasalita. Binitawan ko na rin ang tinidor na hawak para ibaling sa kanya ang buong atensyon. If Zach's a guest here, then maybe I should go. I am not being bitter. I'm better than that. "Ano? No! I love it here!" I shook my head while trying to get him using my begging eyes, but he just rolled his eyes at me. "Char—" "Can't you see? This place is amazing! Malayo sa traffic, ingay at sa trabaho!" I sighed. "Maybe you could stay, but can I go?" nagdadalawang isip na sabi ko. I am not really sure what's inside my head right now. Kanina pa ako wala sa sarili. Seeing my ex is really a big deal. After all, he's my one and only ex. "What's your problem? Ayaw mo dito?" Naging mahinahon na siya ngayon pero ako hindi ko magawang kumalma. Kanina pa ako natataranta. I can't stay here. Kinalimutan ko na ang probinsyang 'to. "It's nice but—" "We're not leaving then," Napaawang ang mga labi ko sa sinabi niya pero ngumisi lang siya na parang nagsasabi na wala na akong magagawa. After eating, we decided to walk around. Overall, the place is indeed nice. May mga pakalat-kalat na hayop sa paligid tulad ng rabbit, peacock, and other tamed animals that we can't always see on public. Para talaga siyang paraiso. The flowers around are giving a relaxing vibe all over the place. Kung wala lang siya ay gugustuhin kong manatili dito. Dahan-dahan kong hinawakan ang suot kong kwintas. I then sighed after. I was eighteen that time. Young, carefree, and innocent. I smiled while trying to remember why, how, and when it all started. Biglang bumalik sa alaala ko ang mga nakalipas. "One, two three, stop!" malakas na sigaw ko sa drum and lyre corps members. Napangiti ako nang marinig na sumigaw silang lahat. "Thanks, god!" sigaw ng drummers habang inaalis ang belt sa katawan nila. Mabilis akong naglakad papunta sa bag ko na nakalagay sa gilid ng stage habang hawak ang baton. I saw the flaglets and majorettes also fixing their things. "Kaasar, uwi na tayo Blaire!" sabi ni Mae na may dala ng bag. "Sige, teka lang," sagot ko naman kaagad habang nag-aayos ng gamit. Ilang sandali pa ay lumapit ang teacher na tumatayong trainer namin para magsabi ng ilang mahahalagang bagay kaya nakinig muna kami sandali. "Si Ma'am naman oh, hapon na kaya," reklamo ulit ni Mae kaya sinenyasan ko siya para tumahimik. "See you next Friday, DLC members!" Sabay-sabay kaming naglakad papa-labas ng school. Every friday may practice kaming mga DLC members at madalas kaming mahuli sa pag-uwi. And being their mother dancer, I am always in charge. "Tricycle ka rin o susunduin ka ni Ma'am?" "Sasabay ako sa inyo," sagot ko kay Anne na isa pang kaibigan. Mabilis kaming nakahanap ng bakante na tricycle kaya nauna na rin kaming pumwesto. Habang umaandar ang sasakyan hindi ko maiwasang tingnan ang malinis na kapaligiran ng Del Rio. Our small town is a God's gift. We have everything. Water, fresh air, and nature. "Iyong crush ko," medyo mahinang sambit ni Mae ng saglit na huminto ang sinasakyan namin sa gasoline station malapit sa bayan. "Huh?" sabi ko naman saka kuryuso na tiningnan ang tinatanaw nila ni Anne. Napakurap ako nang makita ang isang lalaki na nakasuot ng uniform ng kabilang school. Bahagya siyang nakatagilid kaya hindi ko gaanong maaninag ang mukha niya. Kilig na kilig naman ang mga kaibigan ko habang nakatingin sa lalaki at parang ganoon rin ang ibang babae sa sasakyan na sinasakyan namin. What's with that guy? "Kilala mo ba siya, Blaire? Siya yata ang pinaka-gwapo sa kabilang school," bulong ni Anne kaya nag salubong ang kilay ko. Paano ko masasabi na gwapo kung hindi ko makita ng klaro ang mukha? But he's tall, I must say. I guess he's only eighteen, too. "Zach!" biglang tawag ng kung sino kaya biglang lumingon sa direksyon namin ang lalaking kanina pa tinitingnan ng mga kaibigan ko. Curious ko naman na tiningnan ang mukha ng lalaki. At dahil nasa direksyon namin ang tumawag kaya dito siya napatingin at ako ang nakaupo sa malapit sa pinto ng tricycle kaya mabilis na nagtama ang mga mata namin. Saglit napakunot ang noo ko dahil totoong may itsura nga ang lalaki. Mabilis ako na nag-iwas ng tingin saka pinili na lang na tumingin sa phone. Can't blame them. He's good-looking. Nang umalis ang sinasakyan namin hindi ko na mapigilan pang lumingon ng bahagya kung nasaan ang lalaki. I found him smiling at the guy he was talking, but his eyes were fixed on us. I mean nasa sinasakyan namin. Baka may kakilala na nakasakay rin dito. Ako ang unang bumaba kasi mas malapit ang bahay ko sa kanila. Nang makarating ako sa bahay kita ko na nakaparada na ang kotse ni Mama sa parking lot ng bahay kaya dumiretso na ako sa kusina. "Ma," mahinang tawag ko nang makita siya na nagluluto habang naka-suot pa rin ng pang-teacher niyang uniform. "Blaire, may practice kayo sa DLC? You should've called me to pick you up," she said. "It's fine, may sasakyan pa naman," sabi ko habang tinitingnan ang niluluto niya. "Sige na, magbihis ka muna sa itaas," I nodded and followed what she said. Mabilis ako na umakyat sa taas kung nasaan ang kwarto ko saka nagbihis ng pambahay. Hindi mainit ang uniform namin pero dahil sa practice ay pawis na pawis ako. Our green checkered straight cut skirt and typical white blouse is okay for me. Saglit akong humiga sa kama ko pagkatapos habang nakatingin sa phone kung saan ang naka-log in ang account ko sa f*******:. I was just scrolling on my news feed and reacting on my friends' posts. Napakagat ako sa ibabang labi ng may biglang nag-pop up na notification. Someone sent me a friend request, which is so normal to me. Kahit hindi interesado ay tiningnan ko pa rin kung sino iyon. Pero bahagya akong nakaramdam ng gulat nang makita kung sino. "Zachary Montañez," pagbasa ko sa pangalan. Napalunok ako saka mabilis na pinindot ang profile ng lalaki. He's the guy on the gasoline station, I'm sure of that. Tiningnan ko ang timeline niya. He doesn't post a lot, but he has a lot of reactors. And based on his photos, he really looks good. Pero parang camera shy kasi puro stolen ang pictures. Wala sa sarili ako na napangiti. What's with the friend request? "Oh my God!" biglang sigaw ko kasi aksidente kong napindot ang like react para sa picture niya na last year pa na-post. Halos itapon ko ang phone ko sa kahihiyan. Mabilis ko na inalis ang react ko pero alam kong pumasok na iyon sa notif niya kung online man siya. And he is online! A message suddenly popped up above. Zachary Montañez: Accept me first before stalking. Anak ng tipaklong! Nabitawan ko ang phone ko kaya nahulog ito sa gilid ko lang. Hindi ko alam kung bakit nang-iinit ang buong mukha ko! Nakakahiya! I became a stalker! Pero sinisigurado ko lang naman! Pikit mata ko na pinindot ang confirm button. And again, he chatted. Zachary Montañez: Thanks:) Nanlaki ang mga mata ko. Should I reply? No! Pinatay ko ang phone ko saka mabilis ako na bumaba para puntahan si Mama. "What happened?" tanong niya nang makita na nagmamadali ako. Mabilis ako na umiling at kaagad na kumuha ng tubig mula sa refrigerator para makainom. Why am I nervous, by the way? "I was just thirsty," sabi ko matapos uminom kaya tumango si Mama. "How's school?" We talked while she's cooking and when she's done we immediately ate our dinner. We used to eat dinner so early because of the tiring day at school. Matapos ng mga gawain ko sa ibaba ay nagpasya ako na bumalik sa taas. Nang makita ang phone sa kama bigla akong napakagat sa ibabang labi. Dahan-dahan ko itong kinuha saka binuksan. A lot of messages welcomed me. Iba galing sa mga kaklase at school mates ko pero napako ang mga mata ko sa isang pangalan. Sa dami ng nag-chat iyong kanya ang una kong tiningnan. Zachary Montañez: Seener Isa lang, isa lang ang message niya. At kanina pa. He's out now. I was about to log out when his activity status turned into green. Wala sa sarili akong napatingin sa phone ko. "Here it is," mahinang sabi ko nang makita na naman ang pangalan niya sa chat heads. Zachary Montañez: Busy? Dahan-dahan ako na humiga sa kama habang titig na titig sa chat niya. Pikit mata akong nag-type ng magiging reply ko. I won't reply after, I promise. Blaire Arzeña: Nope Mabilis ko na pinatay ang phone ko ng ma-send ang reply ko. Napahinga pa ako nang malalim bago muling binuksan ang phone para tingnan ang reply niya. Zachary Montañez: I thought you won't reply. Napangiti ako saka napailing. Blaire Arzeña: I'm kinda bored, so I did. I saw him typing. I smiled. I'll study after five minutes, I promise. "Blaire, okay ka lang?" Bigla akong natigil sa pag-alala sa nakaraan dahil sa tawag ni Charly. Hindi ko akalain na magagawa ko ulit balikan ang mga alaalang iyon. Napaawang ang labi ko saka mabilis na tumango. "Sorry, I'm just too tired," sabi ko kaya tumango siya. Mag-aaya na sana ako na bumalik sa villa pero may nakita si Charly na isang magandang spot para sa picturial at ginawa niya akong model kaya hindi na ako makatanggi pa. "You must post it. Try to tag their IG and sss page." I nodded while scanning the photos that he took. Para akong diwata sa mga kuha niya. My white summer dress suits with the background. "I will," mahinang sagot ko habang nakatitig pa rin sa mga kuhang litrato. "I wonder where that guy is," Bigla akong napatingin kay Charly dahil sa sinabi niya. "Who?" Humarap siya sa akin ng may ngiti sa mga labi na parang kinikilig. Saglit akong nakaramdam ng kaba dahil sa ekspresyon niya. "Iyong lalaki kanina. He looks good, right? I mean, I can make him famous as you are," Parang nagniningning pa ang mga mata niya habang sinasabi niya iyon. Hindi ko maiwasang mapangiwi. Is he talking about Zach? "He's not interested," wala sa sariling sabi ko kaya pinaningkitan niya ako ng mga mata. "And why? Magkakilala kayo?" Napasinghap ako at napalunok ng mahina. "No, I mean, I just know—" "But I want to see him again." Natahimik na lang ako. Mananatili ba ako dito ngayong nandito rin siya? Zach and I are stepping on the same land. We just did not parted peacefully. That's why I'm uncomfortable. "Zach," I murmured out of a sudden while looking at those roses around us. "We will meet the owner tomorrow. I heard he was hot." Wala na akong pakialam pa sa mga sinasabi ni Charly. Hindi ko maabot ang hiya, kaba at lito na nararamdaman ko. Why am I suddenly here? And why am I feeling this way? It's been years, Blaire.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD