CAUGHT IN THE ACT

1209 Words
MARIE "Ate Marie... Ate Marie." Napalingon ako nang marinig ko ang tawag sa akin ni Atong, ang isa sa mga batang tinuturuan ko kapag panahon ng bakasyon. Tumatakbo itong nilapitan ako habang nakaupo ako sa buhangin sa harap ng dalampasigan. Maganda ang panahon ngayon kaya nagkasya akong magmuni-muni muna, habang nagbabasa ng mga pocketbook ng isa sa paborito kong manunulat na si Bam Gregorio. "Ate Marie.. Mabuti nakita kita rito," sabi nito sa akin. "Bakit, Atong? May problema ba?" tanong ko sa kaniya. Pinagmasdan ko ito. Mukhang wala naman problema ang batang 'to, masigla pa rin ito. "Wala naman, Ate. Gusto ko lang sana kamustahin ka," tugon nito sa akin. Malambing talaga ito noon pa man. Walang paalam itong umupo patabi sa akin. "Okay lang naman si Ate, si Atong ba? Okay lang?" ani ko sa kaniya. Tiniklop ko muna ang librong hawak ko. Mamaya ko na lang ipagpapatuloy ang pagbabasa at hindi ko rin naman masusundan kung may kausap o may katabi ako—maganda pa naman ang kwento ni Celine at Wade. Nilagay ko ito sa kaliwang bahagi ko. Parang kailangan yata ng kausap ni Atong. "Kailan mo ulit kami tuturuan, Ate?" tanong nito sa akin. Napangiti ako. "Ilang buwan na lang bakasyon na," sagot ko sa kaniya. Enero ngayon—dalawang buwan na lang bakasyon na ng mga ito sa eskwela. "Lagi kasi akong zero sa exam namin, Ate," sabi nito sa akin. Napayuko ito. Nakaramdam ako ng lungkot sa sinabi niya sa akin. "Bakit? Hindi ka ba nag-aaral?" tanong kong may pag-aalala sa kaniya. "Lagi kasi akong a-absent," nauutal nitong sagot sa akin. "Bakit? May problema ba sa inyo, Atong? Baka makatulong si Ate Marie." "Si Nanay Rosa kasi lagi akong pinapa-absent," sagot nito sa akin. Naging malungkot ako sa tugon niya. "Pasensiya na ha. Naging abala rin si ate sa trabaho niya," ani ko. Malungkot itong tumango-tango sa akin. "Ano 'yang binabasa mo, Ate?" tanong nito. Sabay baling ng tingin sa pocketbook na hawak ko. "Naku! Bawal ka nito, hindi pwedi sa 'yo 'to. Para lang 'to sa malalaki," ani ko. Tinago ko pa ang cover ng libro at nagyayakapan pa ang mga bida r'on. "Sigi, Ate. Baka naiisturbo na kita sa pagbabasa mo, tsaka na lang kita ulit pupuntahan kapag okay na," sabi niya sa akin. Tumayo ito at nagpaalam na sa akin. Isa si Atong sa espesyal na batang tinuturuan ko kapag summer; mabait, masunurin at matalino ang batang 'to. Kaya nga nagtataka ako kung bakit sinabi nitong madalas siyang zero. Ginabayaan ko naman sila ng maayos at hindi naman ako nagkulang d'on. Nakakaawa rin, aniya ko. 'Babawi na lang ako sa kanila. Gagawin ko na lang ang lahat ng makakaya ko, kapag libre na ulit ako,' pangako ko sa aking sarili. Muli kong binalikan ang librong binabasa ko. Mabuti na lang at maganda pa rin ang sikat ng panahon, walang gaanong init—sabagay mag aalas kwatro na rin ng hapon. Palagay ko, naghapunan na rin si Papa. Maaga kasi talaga ito kumakain at pagkatapos n'on, agad nang pumapanhik sa silid nito sa ikalawang palapag ng bahay namin. 'Itutuloy ko na nga 'tong si Celine at Wade. Naghiwalay na pala silang dalawa,' tila apektado ko pang sabi sa sarili ko sa mga nababasa ko. Malungkot ang buhay ng dalawang 'to. •• XAVIER NANDITO ako sa isang malaking mall sa kalakhang Manila. Wala pa akong balak umuwi. Hinatid ko si Kirsten sa condo nito sa may Ermita, d'on ito nagpahatid sa akin at walang balak umuwi sa bahay nila sa Laguna. Masama talaga ang loob nito sa Tita Agnes niya, wala naman siyang nakwentong iba sa akin kundi ang pagiging saklaw lang nito sa isang branch niyang resort sa Cebu. Balak daw kasi itong ibigay ng madrasta nito sa anak-anakan nito. Na labis na 'di pinahihintulutan ni Kirsten, para sa kaniya panghihimasok ang ginagawa nito. Mula nang maging CEO siya sa tatlong resort na pinamana sa kaniya ng daddy niya. Gusto niya siya na lamang ang masusunod at wala ng iba pa, kahit na may malaking share din naman ang pangalawang asawa ng ama niya. Ayaw ko na rin pang dagdagan ang mga isipin ni Kirsten, alam ko kasing mas magiging malala lang ang lahat. Ang tanging maibibigay ko lang sa kaniya ngayon, bukod sa pagmamahal ay ang pagpapainit sa katawan nito. Naalala ko ang nangyari nagdaang sa aming dalawa. Hindi ko maitatanggi na isa 'yon sa masayang sandali na pinagsaluhan namin si Kirsten. Kapwa kami pagod at may espiritu ng alak sa katawan, pero hindi 'yon naging hadlang para hindi kami masiyahan. I gave my best move for Kirsten. Tila nasiyahan naman ito at halos tanghali na rin nang magising. Nauna lang ako ng kaunti sa kaniya at niligpit ko pa ang lahat ng kalat namin bago dumating si mommy galing sa saloon na pagmamay-ari nito. Natigil ang akma kong pagkagat ng cookies na in-order ko nang may natamaan akong isang pamilyar na babaeng dumaan sa bahagi ng lugar kung saan ako nakaupo ngayon. May kasama ito. Nagmadali akong tumayo para siguraduhin kung kilala ko nga ba 'to. Lumabas ako sa isang Cafe kung saan man ako ngayon at natanaw ko ang isang lalaki at isang babaeng, hindi pweding kamukha lamang ng babaeng kagabi lang ay kasama ko. Napalunok ako. 'Kirsten?' mahinang kong sambit sa pangalan nito. Napalunok ako. Hindi ko alam kung totoo ba ang nakikita ko o sigurado ba ako at hindi basta namamalikmata lang? Si Kirsten nga ba ang babaeng may kasamang isang lalaking naglalakad at magkahawak kamay sa unahan ko? Minadali ko ang lakad ko, hindi pweding mawala ang dalawa sa paningin ko. Kinuha ko ang sarili kong cellohone sa aking bulsa. Nanginginig pa ang kamay kong tinawagan ang numero nito—I just want to make sure kung si Kirsten nga ba ito at hindi lang ako pinaglalaruan ng paningin ko. Pero 'yon na lamang ang pagkabigla ko at mula sa aking dalawang mata kitang-kita ko ang pagtingin nito sa cellphone nito at dinala sa kanang tainga niya. Kumubli ako sa likod ng dahon ng pinto ng isang kilalang brand ng damit. May kabang naramdaman na baka makita niya akong naroon. May iba pa akong nais malaman, kung ano ang ginagawa niya sa lugar na 'to at hindi man lang pinaalam sa akin. Sino ang kasama nito? "H-Hello, Xav?" anito nang sagutin nito. "W-Where are you, Tin?" ani ko sa kaniya. Binabaan ko ang tuno ng boses ko at ayaw kong mahalata nitong nandoon ang galit na nararamdaman ko ngayon dahil sa sitwasyong nakikita ko mismo. Binaling ko ang tingin ko sa kasama nito—d'on ko napansin na nasa harap ng isang movie ticketing booth ang mga ito. "At condo bakit? Hindi ba hinatid mo nga ako here? Bakit ka pa nagtatanong?" tugon nito sa akin. Wala sa sariling binaba ko ang tawag ko kay Kirsten na wala man lang kahit na anong tugon mula sa akin. Malinaw sa akin ang pagsisinungaling ni Kirsten. Muli kong tinapon ang tingin ko sa kanila at mas lalong sumidhi ang galit na mayroon ako ngayon sa puso ko dahil sa nakita kong yumakap si Kirsten sa kasama nito. Napakuyom ang kamao ko. Galit ang nanahang bigla sa puso ko. 'Niloloko ako ni Kirsten at 'yon ang malinaw!'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD