Kinabukasan, maaga akong nagising upang linisin ang kwarto ng aking mga amo. Huli kong pinasok ang kwarto ni Senyorito Josh. Una kong nilinis ang kanyang CR at sinunod ang mismong kwarto niya.Habang winawalis ko ang mga alikabok sa ibaba ng kanyang kama ay napansin ko ang isang album na puro litrato ang laman.Siguro ay nahulog iyon at hindi na dinampot ulit ni Senyorito. Nilagay ko iyon sa tabi ng mesa malapit sa kama niya at ipinagpatuloy na ang paglilinis sa kwarto niya. Pinagmasdan ko ang buong silid ni Senyorito. Kung nobya ako ni Senyorito, ito na siguro ang magiging kwarto ko kapag kasal na kami. Sabi nga nina Ate Cora, ang pagiging magnobyo at magnobya raw ay simula ng pagiging mag-asawa.Ang swerte ko naman talaga kay Senyorito.Hindi ko inaasahan na mamahalin ako ng aking amo na n