Third Party POV "Josh Klein,beinte otso anyos ka na. Ano pa ba ang hinihintay mo't wala ka pa ring ipinapakilalang babae sa amin ng momly mo?" maagang sermon ni Senyor Zachary Johnson. Kagagaling lamang ng dalawa sa ibang bansa upang tingnan ang negosyo nila. "Dad,not now." sagot ng binata sa ama. " Mamamatay na lamang kami eh hindi pa namin nakikita ang mga apo namin! Gusto mo ba ng arranged marriage? Dahil kung wala kang ipapakilalang babae eh mapipilitan akong ipakasal ka!" inis nitong sambit sa ama. "Zachary, stop it. Hindi ba't nasa America si Danica at nag-aaral pa? Well maybe hinihintay lamang ni Josh na makapagtapos si Danica!" sabad ni Senyora Valeria Mondragon-Johnson. "Hindi ba't graduating na 'yon?" tanong ng kanyang ama sa kanya ngunit mas nainis ito sa panganay na