Third POV "Hey Tanya, are you alright?" nag-aalalang tanong ni Tristan sa dalaga na kanina pa tulala habang nakatitig sa kanya. Natutulog lamang ito kanina sa sofa at pagkalipas ng dalawangpu't minuto ay bigla na lamang itong umupo at natulala. Nakamulat ang mga mata ngunit hindi ito nagsasalita o sumasagot kanina kanina pa niya ito tinatawagan. "Hey, Hey T-Tanya T-Tanya." hindi na siya nakatiis at niyugyog niya ang balikat nito at tila doon pa ito natauhan at napakunot ang noo nang tingnan siya at ang mga kasamahan nila na nakaupo sa kanilang harapan na sina Danica at Josh. "May nangyari ba?" naguguluhang tanong ng dalaga. Hinawakan nito ang sariling dibdib at sumilip sa loob ng tshirt na suot nito. "Ha? What do you mean? Natutulog ka lang naman at nang nagising ka ay natulala ka na