Chapter 5-Birthday Party

2131 Words
Moss green gown na tube ang aking suot sa kaarawan ni Senyorito Josh. Hugis puso sa bahaging dibdib at may slit patungo sa taas ng aking kaliwang hita.Ang gown na ito ay ipinatahi ni Ate Belle para sa'kin. Parang nangangatinang katawan ko sa aking suot dahil perstaym ko talaga ang magsuot ng ganito kapormal na gown. Pinarisan ito ng isang mataas na sandalyas na tatlong gabi ko pang pinraktis bago ako matulog. Napakabait talaga ng aming mga amo dahil sa especial na kaarawan ni Senyorito Josh ay hindi sila pumayag na maging serbidora kami.Halos lahat ng nagtatrabaho sa mansion ay naging bisita sa gabing 'yon. Lahat ng mga kasama ko sa mansion ay napakaganda at napakagwapo rin sa gabing ito. "Ayan dyosang-dyosa ka na talaga gurl! sambit sa' kin ni Ate Barbie. Ang baklang nagmeykup at umayos sa'ming lahat. Ipinikit at iminulat kong mulinang aking mga mata nang makita ang aking repleksyon sa salamin. Nagmamalik mata ba'ko? Ako ba 'to? Kinurot ko pa ang aking magkabilang pisngi kasi akala ko panaginip lang ang lahat. Wala pa namang masyadong bisita dahil hindi pa naman ang takdang oras ng celebrasyon. Nahihiya akong lumabas sa may convention hall ng mansion kaya huminga muna ako ng malalim at tumambay na muna sa kusina. Napatili ako dahil nakakita ako ng matangkad na lalaki sa loob ng kiosk at umiinom ng alak. Hindi ko maaninag ang mukha pero maganda ang hugis ng katawan nito at hanggang balikat ang haba ng buhok. Hindi ako kuntento at lumapit ako sa lalaking matangkad at naaninag ko ang kanyang mukha. Langya, napakagwapo! At ang kulay ng mata niya ay parehas ng kulay ng aking mata. Berde! Tumikhim ito at napatakbo ako ng wala sa oras papunta sa convention hall. Nakita ko sa isang mesa sina Ate Belle, Nathaniel at Coby. Napakaganda ni Ate Belle sa suot nitong red gown. Si Coby naman ay napakagwapo at artistahin. Ang mga kasama kong kasambahay ay nasa dulo ng hall at nakangiti sa akin. Kinawayan ko ang mga ito at lumapit ako sa kanila at umupo sa bakanteng upuan na inilaan para sa akin. Nakita ko ang apat na kaibigan ni Senyorito Josh na nagtatawan sa isang mesa. Kabilang na roon si Tristan. Hindi pa'ko nakita nito. Hindi nagtagal ay nagsidatingan na ang mga bisita. Hala! Itsurang mayayaman lahat at grabe saksakan ng ganda ang mga kaparehas nilang mga babae at ang popogi rin talaga ng mga lalake. Naglakad ako patungo sa harapan ng stage dahil nakita ko si Senyorito Josh na nakatayo at may kasamang maganda at seksing babae. Parehas ang kulay ng aming gown. Kahit malayo ay naaaninag ko ang ganda nito. Dahan-dahan akong naglalakad patungo sa harap. At isa-isa kong binabasa ang mga pangalang nakasulat sa mga table. Grabe naman, kailangang may pangalan pa sa mesa? OA naman ng pamilya Mondragon-Johnson. Parang nanakawin talaga ang mga mesa. Dumaan ako sa mesang nakasulat ang pangalang Anton Chase Mondragon. Hala, napakagwapo niya. At ang asawa niya rin ay ubod ng ganda. May kasama silang apat na makukulit na bata. Sa tabi ng mesa ay ang pangalang Adrian Mondragon. Gusto kong mahimatay sa kagwapuhan nila. May hawig ito kay Senyorito Josh. May kasama itong simple pero ubod rin ng ganda at batang-batang babae. Sa bakanteng mesa naman ay pangalan ni Quinn Mondragon- Montreal. Sa isang dako naman ay nakita ko ang isang magandang babae na hinila ang isa sa mga kaibigan ni Senyorito mula sa grupo ng mga kalalakihan. Teka, si Senyorita Cathalea pala 'yun! Sa isang long table naman ay ang mga matatanda. Sila siguro ang mga magulang ng mga batang Mondragon. Kilala ko lang ay ang aking amo na sina Zachary at Valeria Johnson. Wala naman ang mga magulang ni Ate Belle. Kilala ko ang mga ito dahil sila ang unang amo ko. Marami pang mga bisita sa kaarawan ni Sir Josh at hindi ko na napansin na nabangga ko na pala siya dahil panay ang tingin ko sa mga taong naroon. "Arayyyy!" Muntik na'kong bumagsak sa sahig ngunit nasalo ako ni Senyorito. Nagulat naman ang magandang babaeng kasama nito.Sa tingin ko ay mas bata pa ito kaysa kay Senyorito. Napakaganda niya. Ang kanyang mata ay kaparehas ng kulay ng aking mata. Hala, kawangis niya si Ate Belle. Ang kulay ng mga mata nga lang ang kakaiba. "Becareful Tanya! Napakaclumsy mo!" Sambit sa akin ni Senyorito. "Happy birthday Senyorito Josh!" sambit ko sa kanya. "Thanks Tanya!"sagot nito. Ngumiti ako sa kanya at ngumiti rin ako sa babaeng kasama niya. Mas gumanda 'ata ito nang ngumiti. " Well, nandito pala ang baby ko. Been looking for you everywhere Tanya! "muntik na akong sumigaw nang maramdaman ko ang init ng palad ni Sir Tristan na dumampi sa aking nakalantad na likod. " Hello fafa Josh Happy Birthday! " may isang babaeng maganda rin na lumapit kay Senyorito at apat na beses itong humalik sa pisngi nito. May kasama itong matangkad, maskulado at Napakagwapong nilalang. Ito nga pala ang lalakeng nakita ko noong isang araw na kasama si Ate Belle. " Hala sir? Hindi ba ikaw 'yung kasama noong isang araw ni Ate Belle rito sa mansion? Nagtimpla pa nga ako ng kape para sa' yo naalala mo?" "Yeah, thats right... Maligayang Kaarawan Mondragon!" sambit nitl kay Senyorito ngunit bakit hindi ito ngumingiti? "Well should I say thank you Alcantara?" nagsukatan ng titig ang dalawa. "Hoy Daks! Kung mangugulo ka rito pwede ba lumayas ka na lang? Ikaw ang pumilit sa'kin kanina na samahan mo'ko ha? Nagpabeauty ako kanina huwag mong sirain! Josh... Mia Pasensya na kung may naligaw na Baliw na German rito sa Party!". "Tanya Baby..Tara na, tabi nalang tayo sa table!" hinila ni Tristan ang aking braso patungo sa table ng mga ito. Napakagwapo ng mga kaibigan niya. Mga hunks at parang kay sarap titigan na lamang at ilagay sa loob ng bulsa. Sila yung mga kasamang naliligo ni Senyorito sa pool dati. Ang isa ay nasa tabi ni Cathalea at mukhang biyernes santo ang mukha. Nakita niyang umalis ang babae at ang tinawag nitong Daks at pumunta sa table nina Ate Belle. Hindi naman ako tsismosa pero parang may iba eh! Nakita ko ang paghalik ng lalaking si Daks sa pisngi ni Ate Belle. Nag-uusap ang dalawa nang may biglang humila sa braso ni Ate patungo sa loob ng Mansion. Ang babaeng maingay kanina ay tinatalak ang lalaking si Mr Daks at hindi nagtagal ay mabilis ang mga hakbang nito na pumunta sa lugar kung saan ako galing kanina. Nakita ko itong pumasok sa isang maliit na kiosk kung saan ko nakita ang lalaking green eyed. Nakita kong tumayo na ang lahat ng bisita at kinakanta na ang may kaarawan. Nakikanta na rin ako kahit na puno ng katanungan ang aking isipan. Habang kumakanta ay nakahawak si Senyorito sa bewang ng babaeng Mia ang pangalan base sa narinig niya kanina mula sa babaeng maingay. Hindi niya maintindihan ngunit parang may bahagi ng puso niya ang tinutusok-tusok pero binalewala lamang niya iyon dahil panay ang himas ni Tristan sa kanyang likod dahil nakalantad pala ito hanggang sa taas ng pwetan niya. Grabi naman nagtitipid ba sa tela ang tumahi nito? Pagkatapos kumanta ay nagsikainan na ang lahat. "Bro Tristan napakafresh niya! Nilantakan mo na ba?" saad ng isang lalaki na kaibigan nina Tristan at Josh. "Shut up Vince!" "Mukhang wala pa Vince eh! Ang hina mo Tristan!" saad naman ng isang chinito at napakacute rin. " Den wala ka talagang magawa sa buhay!" saad ni Tristan sa lalaki. "Miss did Tristan played with you already?" Tanong sa'kin ni Vince. Hindi ko naman na-gets ang sinasabi niya. "Played? Ah eh wala pa. Hinihintay ko nga siyang mag-aya sa'kin. Gusto ko siyang makita ang three points niya na nakapikit siya!" Nagtawanan naman ang mga kasamahan nito. "Wow, ang ganda na palaban pa. Swerte mo bro!" saad naman ni Denmar. "Just fuckin' shut up. Ang dudumi ng utak niyo!" saway ni Tristan. "Wow ikaw ba'yan Tristan? The naughty playboy model-actor? Anong nakain mo bro?" biro ni Vince rito. Ngunit tinitigan lamang nito ng masama ang mga kasama. "Tingnan mo si Levi. Ang babae na ang nagpapatuka eh pakipot parin!" ininguso ni Vince ang kapatid na babae ni Senyorito Josh at ang tinawag ng mga ito na Vince. Pagkatapos ng kainan ay dumilim ang paligid at tanging iba't ibang kulay lamang ng maliliit na bumbilya ang lumiwanag sa paligid.Kasabay nito ay ang pagtugtog ng romantic na musika. Nakita kong nauna sa gitna si Senyorito Josh at Mia. Ngayon ko lamang nakita si Senyorito na maalaga sa isang babae. Dahil ba bago ito ngayon o ito na ba ang nagpatibok sa puso ng playboy kong amo? Nakita ko ang iba't ibang magkapareha ang pumunta sa gitna at nagsaliw sa nakakainlab na musika. "Baby can we dance?" tanong ni Tristan sa'kin habang nakalahad ang mga palad sa aking harap. Tumayo ako at hinawakan ang kanyang palad. Dumampi ang mainit niyang palad sa nakalantad kong likod. Noong tinitigan ko siya ay mapupungay ang kanyang mga mata habang nakatitig sa aking mga mata. "May nagsabi na ba sa'yo na napakaganda ng mga mata mo Tanya? You look so innocent at ang beauty mo para kang anghel. Your hair Tanya parang ang sarap haplusin!" saad nito sa'kin. "Tristan okay ka lang ba. May nakain ka ba na hindi natunawan?" tanong ko. Nagtataka ako sa kanyang mga sinabi sa'kin. "Damn Tanya just look at me. Am I joking?" Ngumiti ako sa kanya.Gosh ang gwapo ni sir Tristan. Pero parang kuya lang talaga ang tingin ko sa kanya simula nang magkakilala kami sa mansion. Nakita ko si Senyorito Josh at Mia na naghahalikan sa gitna. Napapikit ako dahil naalala ko ang naramdaman ko dati noong hinalikan niya rin ako. Wala sa isip ay hinanap ko ang gwapong lalaki na Mr. Daks ang pangalan at nakita ko ito sa gilid na may hawak na bote ng alak at parang tubig lamang na ininom ito. Malungkot ba siya? Umiiyak ba siya? Tiningnan ko ulit si na Senyorito. Kapwa sila'g nakangiti sa isa't isa at hinalikan na naman ni Senyorito ang babae. Napapikit ako ulit nang makita ang mga mata ni Senyorito Josh na nakatitig sa'kin. Nagulat ako nang maramdaman ko ang malambot na labi ni Sir Tristan sa aking mga labi. Sandaling naghinang ang mag labi ngunit blangko ang aking isipan sa oras na ito. Nakaramdam ako ng hindi pamilyar na kirot sa aking puso sapagkat unang beses ko itong naramdaman. Feeling ko ay gusto ko na lamang maglaho sa oras na ito kaya't hinila ko ang braso ni Sir Tristan at dinala ko siya sa gilid ng pool. "Hey.. Anong gagawin natin dito?" tanong niya sa akin. "Mainit dun'. Maraming tao.. Dito na lang tayo.!" sambit ko. "Well as you wish Tanya." "Ba't mo pala ako hinalikan?" "Ang cute mo. Ligawan kaya kita?" "Ha? Araaaay Tristan! Ang likod ko!" nataranta ako nang makaramdam ang pagkagat ng mga lamok sa aking likod. Nakita ko ang pag-alala sa mukha ni Sir Tristan. "Kamutin mo... Wait dun tayo sa may upuan!" Umupo ako sa upuan na gawa sa semento sa gilid ng pool. Medyo may kadiliman doon at medyo malayo na ito sa convention hall. Hinawi ko ang aking mahabang buhok at lumantad sa kanya ang aking makinis at maputing likod. Napakakati na ng likod ko ngunit nanatiling nakaupo si Tristan sa aking likuran. "Ano ba Tristan kamutin mo'ko!" Nakita ko ang paglunok nito at dinala ang kanyang kamay sa aking likod. Lintik na mga lamok nga naman. Pinagtripan ang likod ko. "Aaaahhhh Tristan ganyan nga... Ang sarap sarap naman!" "Ganito ba Tanya o idiin ko pa?" "Hmmmm idiin mo pa Tristan please... Ganyan sige pa... Idiin mo pa oooooohh ang sarap grabe..." "s**t Tanya... Baka mamula na talaga dahil sa sobrang diin!" "Hayaan mo na Tristan.... Basta idiin mo.. Ayan.. Diyan Tristan.. Sa baba... Oooohh ang sarap... Sige pa Tristan.. Itaas mo ulit... Diyan nga... Ooooh grabe ang galing mo Tristan..." "Ganito ba? Ito na ba? Idiin ko pa Tanya ha!" " Sige pa igalaw mo pa Tristan malapit na talaga...Mmmmmm hayyyy saraaaap! " "What the f**k are you two doing here Tristan and Tanya?" Napatili ako nang marinig ang malakas na boses ni Senyorito Josh mula sa aking harapan. Dahil sa aking pagkabigla ay napakandong ako sa nakaupong si Tristan na nagulat rin sa pagsigaw ni Senyorito. Napatayo rin akong bigla nang hindi ako kumportable sa kandungan si Sir Tristan dahil naramdaman ko ang matigas na bagay na tumutusok sa aking pang-upo. " Tristan why don't you get a room where the two of you can play with each other!" Tanging sambit nito at tuluyan nang bumalik ulit sa convention hall. Nagtinginan na lamang kami ni Tristan at biglang humalakhak dahil sa reaksyon ni Senyorito. Hindi naman ako tanga para hindi makuha ang ibig nitong sabihin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD