Chapter 38- The Broken Phone

2028 Words

Myra's Pov: Hindi na kami ulit nag-usap ni Ronmar. Parang may nabuong tahimik na pag-uusap sa amin dahil pareho na kaming nanahimik at pupusta akong pareho kaming nahulog sa isang malalim na pag-iisip. Pagkaraan ng may tatlo pang minuto matapos makapasok ng sasakyan sa gate mg subdivision ay tumigil na iyon sa tapat ng bahay namin. Halata ang pagmamadali ni Ronmar dahil hindi na n'ya naiparada nang maayos ang sasakyan. Wala naman akong naging reklamo kahit na muntik na iyong sumadsad sa damuhan. Hindi rin naman nagkaroon ng gasgas. Halos tumalon na ako pababa pagkatigil pa lang ng kotse. Hindi ko nga alam kung naisara ko nang maayos ang pinto ng passenger seat, ang alam ko ay kinain na ako ng pagmamadali at ang gusto ko na lang ay mabilis na makapasok sa loob ng bakuran namin. Narinig

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD