Chapter 13- Catharsis

1802 Words

Myra’s Pov: “M-Myra…” nauutal na tawag sa akin ng mama ni Algean. Hindi ko na talaga alam kung anong nangyayari. Pakiramdam ko ay may isang malakas na bombang sasabog sa harapan ko sa mga sandaling ito at hindi ko man lang iyon nagawang paghandaan. Wala sa sariling sinalubong ko si Tita. Nagawa naman n’yang makaakyat sa sementadong hagdanan ngunit kaagad s’yang nawalan ng lakas nang makalapit sa akin. Kung hindi ko pa s’ya nagawang alalayan ay baka napahalik na s’ya sa maalikabok na semento. Nagsimulang ngumalngal si Tita Carina kaya napunta sa amin ang atensyon ng mga kasama sa entourage at maging ng mga taong dumadaan. Masakit ang naging pag-iyak n’ya kaya maging ako ay naiiyak na rin. Hindi ko na pinansin pa ang gown ko. Hinawakan ko ang mga kamay ni Tita Carina at tiningnan si Ti

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD