Myra’s Pov: Ako na lang ang tumuloy sa opisina ni Chief Regalado. Mas minabuti ni Ronmar na bumalik na lang muna sa department namin. Kumatok ako ng tatlong beses bago binuksan ang pinto ng silid. Mukha namang hindi abala si Chief, katatapos lang n’yang makipag-usap sa kung sinuman base sa kabababa lang n’ya na telepono. Nakita kong napailing s’ya nang makita ako. “Chief,” bati ko sa kanya at sinulyapan ang telepono. Hindi ko alam kung sino ang kinausap n’ya pero mukhag hindi maganda ang resulta ng pakikipag-usap n’ya sa taong iyon dahil nakakunot pa rin ang noo n’ya. “Maupo ka,” aniya. Kaagad akong tumalima at naupo sa pang-isahang sofa habang hinihintay s’ya. Dumiretso s’ya sa pantry ng silid. May kinuha s’ya mula roon at nang lumapit s’ya sa receiving area ay may dala na s’yang