Myra’s Pov: Malapit na ako sa bahay namin nang mapansin ang isang pamilyar na sasakyan na nasa likuran ng sasakyan ko. Nasa lima ang mga sasakyang nasa likuran ko pero hindi ko nakikilala ang iba, iyong kulay dark blue nga lang ay kanina ko pa nakikita. Matapos pumunta sa presinto ay dumaan pa ako sa isang tindahan ng mga gamit para bumili ng ilang damit. Hindi naman ako nagtagal dahil nasa tatlumpung minuto lang ang itinagal ko sa pamimili. Inakala ko kanina na pamilyar lang sa akin ang kotseng iyon, ngayon ko lang na-realize na kanina pa iyon nakasunod sa akin. Mula pa noong manggaling ako sa tindahang pinuntahan ko kanina. Mas binilisan ko ang pagpapatakbo sa sasakyan. Kaagad na nakumpirma kong ako nga ang sinusundan ng kotseng iyon dahil mas bumilis din ang takbo niyon. Pamilyar