Myra's Pov: Panay ang tingin ko kay Ronmar habang nasa biyahe. S'ya ang nagmamaneho at papunta kami ngayon sa lumang apartment-building na tinirhan ni Rebeka De Guzman. Mula pa kanina ay tahimik na si Ronmar. May tatlong oras na yata mula nang umalis kami sa coffee shop kung saan ay nakausap namin si Roosevelt. Padilim na kaya inabutan na kami ng rush hour. Hindi naman problema iyon dahil mas makakakilos kami kapag tuluyan nang dumilim ang paligid. Dumaan din kami kanina sa isang fastfood chain para bumili ng makakain. Tumigil lang kami kanina sa isang free parking space at sa loob na rin kami ng sasakyan kumain. Mahirap na kung magpapagala-gala kami rito sa siyudad, mas mabuti nang mag-ingat kaysa makasalubong namin ang kahit sino sa headquarters. Lalo na at hindi naman namin kilala