Myra’s Pov: “Whoa!” Muling tumigil ang sasakyan. Iginilid iyon ni Ronmar. Nandito na kami sa labas ng subdivision at kaunti na lang ay malapit na kami sa main gate. “Sandali, kailan nga nagsimulang mawala sa katinuan si Mang Kanor?” tanong ni Ronmar. Mabilis na kinalkal ko sa isip ang alaalang iyon. Masyado nang matagal iyon at hindi na ako sigurado sa kung ano ang talagang nangyari noon. “Nasabi mo sa akin noon na bago pa ako maging alagad ng batas ay iniimbestigahan mo na ang kaso ni Maebel,” wika ni Ronmar. “Nasabi mo ring inabot ka ng limang buwan sa pag-iimbestiga pero wala kang nakita na kahit anong magiging lead para sa kaso ng anak ni Mang Kanor.” Tumango-tango ko. “Isang taon bago ako maging opisyal na kasapi ng force ay nawala na si Maebel. Kaklase ko s’ya noong elementary