Myra’s Pov: “Detective Myra, okay ka lang ba?” tanong ni Ronmar na hindi ko na namalayang nakalapit na sa akin. Nang tingnan ko s’ya ay may isang sandwich pang nakatangay sa bibig n’ya. Nasa mga mata n’ya ang pagtatanong. Nandoon din ang pag-aalala na siguradong gusto n’yang isaboses pero piniling huwag na lang. Wala sa sariling napahinga ako nang maluwag bago iniabot sa kanya ang cellphone. Muntik pang mabilaukan ang lalaki sa pagmamadaling abutin ang cellphone. Dumiretso s’ya sa kanina ay inuupuan n’ya kaya mabilis akong sumunod sa kanya. Nangunot ang noo ko nang mula sa jacket ay may ilabas na isang envelope si Ronmar, iba ang sukat niyon kaysa sa brown envelope na ibinigay n’ya sa akin, mas maliit iyon doon. Kaagad na namang binundol ng kaba ang dibdib ko. Pakiramdam ko kasi ay m