Chapter 5- A Cold Case

1329 Words
Myra’s Pov: “Huwag ka na ngang magpaligoy-ligoy pa, Ronmar,”sabi ko pagkaraan ng ilang sandali. “Sabihin mo na lang kung ano ang gusto mong sabihin. Kung ano ang dahilan kung bakit nandito ka sa pamamahay namin.” Natatawang napailing si Ronmar. “Naaalala mo pa ba ang tungkol sa hiniling mo kay Chief Regalado noong huli mong araw sa serbisyo?” “Oo naman,” mabilis na sagot ko at sumandal sa sofa. “Noong isang araw lang naman iyon.” Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize ang gusto n’yang sabihin. “Ibig sabihin ay nandito ka dahil sa kaso ni Maebel? Nagsimula ka na bang mag-imbestiga? May nalaman ka ba? Any leads?” Itinaas ni Ronmar ang parehong kamay. “Easy, Detective Myra. Chill ka lang, masyado kang mainit.” Kaagad na tumikwas ang kilay ko. “Can you please stop calling me Detective? Wala na ako sa serbisyo kaya no need to address me like that.” Natatawang tumingin sa akin si Ronmar. “Hindi ko kasi alam pero mukhang hindi ka naman umalis sa serbisyo.” Itinuro pa n’ya ako. “Look at you, wala ka mang suot na uniporme o ibinalik mo man ang badge at baril mo ay malakas pa rin ang presensya mo. It looks like you were just on vacation.” Ako naman ang napailing. “Hindi mo yata sineryoso ang ginawa kong pag-alis sa serbisyo.” Ikiniling ni Ronmar ang ulo. “I’m sorry if I offended you, Detective but I really feel that you didn’t resign from the force.” Tumayo ako at tumabi sa dating kapareho. Kaagad na kinutusan ko ang lalaki. “Tigilan mo ako. Kailangan na nating pag-usapan ang dahilan ng pagpunta mo rito. Ang dami mo pang sinasabi, maya-maya ay sasakalin na talaga kita.” Halos masamid si Ronmar sa pagtawa. Nagsalin ako ng juice sa baso n’ya at iniusog iyon palapit sa lalaki. “So, back to why you’re here. May bago ka bang impormasyong nalaman tungkol sa kaso ni Maebel?” “Bago ko sagutin iyan, akala ko talaga ay superior mo lang si Chief. Hindi ko inaasahang malapit talaga kayo sa isa’t-isa.” Kaagad na nangunot ang noo ko. “Hindi kita maintindihan, ano ang ibig mong sabihin?” “Hindi ba at sinabi n’ya noong last day mo sa presinto na hindi namin ipaaalam sa ‘yo ang kung anumang magiging development ng kaso ni Maebel?” Kunot na kunot ang noo ni Ronmar habang nakatingin sa akin. “Malinaw na sinabi n’ya iyon pero nakahanap s’ya ng dahilan para papuntahin ako rito.” Itinuro n’ya ang kahon ng cupcakes. “Sinasabi mo bang sinadya ni Chief Regalado na papuntahin ka rito para i-update ako sa isinasagawa mong lihim na imbestigasyon?” tanong ko pa. “Mismo!” Pumitik pa sa ere si Ronmar. “And sigurado akong alam din ni Chief na nahihirapan ako sa ipinapagawa n’ya kaya gumawa s’ya ng paraan para magkita tayo.” Umismid pa si Ronmar. “Alam ko namang magka-partner tayo pero bakit mo naman ako pinahihirapan sa kasong ito?” Bahagya akong natawa. “Sige, sabihin na nating sinadya ni Chief na papuntahin ka rito. But tell me, may dapat na ba akong malaman regarding sa kaso ni Maebel? May development na ba at may dahilan ka ba para pumunta rito at makipagkita sa akin ngayon?” Mabilis na sumimangot si Ronmar. “Iyon na nga, Detective Myra. Stress na stress na ako sa pag-iimbestiga pero wala pa rin akong nakukuhang bagong lead. Bukod pa sa lihim ang ginagawa ko, hindi ko rin alam kung saan ako magsisimula— “Then, what are you doing here?” putol ko sa sasabihin pa n’ya. “Anong ginagawa mo rito kung wala ka naman palang dalang bagong impormasyon?” Kaagad na kumamot sa ulo si Ronmar. “Detective naman! Patapusin mo muna ako sa mga sasabihin ko.” Huminga ako nang malalim. “Okay. So, ano ang dahilan at nagpunta ka rito?” Pinagsalikop ni Ronmar ang dalawang kamay at ipinatong sa kanyang mga hita. “Noong araw na hiniling mo kay Chief na buksan ang kaso ng nawawalang anak ni Mang Kanor, kaagad kong sinimulan iyon. Pagkaalis mo ay iyon na ang inasikaso ko dahil wala pa namang bagong kasong iniimbestigahan ang department natin. Kinalap ko ang lahat ng impormasyon at mga detalyeng nahanap ko. Pinagsama-sama ko ang mga iyon…” “And?” Kaagad akong sumeryoso. “May nakita ka ba bukod sa mga nasa report ng mga nakaraang imbestigasyon?” Marahang napailing si Ronmar. “Iyon na nga, Detective. Wala akong ibang nakita. Dahil kung ano lang ang laman ng report ay iyon din lang ang nahanap ko. Dalawang araw ko nang pinag-aaralan ang kaso ni Maebel pero wala pa rin akong nahahanap na bagong impormasyon.” Ilang beses ko s’yang tinapik sa balikat. “Hindi mo kailangang ma-depress at ma-pressure. Dumaan din ako sa ganyang phase nang buksan ko ang kaso ni Maebel kaya naiintindihan kita. Malakas ang tiwala ko sa sarili ko noon na magagawa kong malaman kung ano talaga ang tootong nangyari kay Maebel pero inabot na ako ng limang buwan ay hindi pa rin ako umuusad. Kumbaga sa isang laro, na-stuck ako sa level one at hindi ko alam kung paano o anong gagawin ko para mag-level up.” “Limang buwan?” Gulat na tumingin sa akin si Ronmar. “Ganoon katagal?” Hindi ko maiwasang hindi ngumisi. “Kaya nga sinasabi kong hindi mo kailangang ma-depress dahil lang sa wala ka pang nalalamang bagong impormasyon. Ilang araw ka pa lang nag-iimbestiga, paano na lang kung umabot ka na ng ilang buwan o maging taon?” Nanatiling nakatingin lang sa akin si Ronmar. Ilang beses pa s’yang kumurap-kurap. “Bago ka pa sumali sa force, iniimbestigahan ko na ang kaso ni Maebel. Noong una ay dahil sa inakala kong ako ang makakaresolba niyon. Nawala na si Maebel bago pa man ako makapasok sa force. Kaedad ko ang anak ni Mang Kanor at isa iyon sa dahilan kung bakit ginusto kong makita s’ya dahil hanggang ngayon ay umaasa pa rin ako na baka buhay pa s’ya.” Huminga ako nang malalim nang balikan sa isip ang paghihirap kong sundan ang kaso ni Maebel. Ngunit kaya nga narito ngayon si Ronmar ay dahil nabigo akong hanapin ang huling bakas ni Maebel. Nabigo akong resolbahin ang kaso ng pagkawala n’ya at hanggang ngayon ay umaasa pa rin akong buhay pa rin ang babae. “Dahil kahit ilang taon na s’yang nawawala ay wala pa ring nakikitang bangkay,” dagdag ni Ronmar. “At kung walang katawan, may posibildad na baka buhay pa s’ya.” Mapait na ngumiti ako bago tumango. “But, Ronmar, pitong taon na mula nang mawala si Maebel. Ni kahit kaunti ay hindi s’ya nagparamdam sa mga magulang n’ya. Limang taon na rin na nawala sa katinuan n’ya si Mang Kanor dahil sa paghahanap sa anak n’ya. Kahit ako ay nawala na rin ang paniniwalang nasa maayos na kalagayan si Maebel.” Hindi nagsalita si Ronmar. Nasa mga mata n’ya ang pagdadalawang-isip kaya hindi na ako nakatiis. “May hindi ka ba sinasabi sa akin?” nananantiyang tanong ko. Tumikhim si Ronmar. “Detective Myra, aware ka bang ang kaso ni Maebel ay itinuring nang cold case?” Ikiniling ko ang ulo. “Pitong na taon na mula nang mawala si Maebel at ni kahit minsan ay hindi umusad ang kaso. Bukod sa missing person si Maebel, hindi rin masyadong sineryoso ng mga nag-imbestoga noon ang tungkol sa pagkawala n’ya.” “Iyon na nga,” ani Ronmar at huminga nang malalim. “Ngunit aware ka bang wala pa mang isang linggo mula noong mai-report na nawawala si Maebel ay nasa cold cases reports na ang kaso n’ya? Noon pa lang, ang kaso ni Maebel, ang case ng isang missing person ay kasama na ng mga cold cases, alam mo ba ang tungkol doon?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD