Myra's Pov: Dahil sa nagiging takbo ng usapan namin ni Ronmar ay kaagad akong nakaramdam ng uhaw. Kinuha ko ang basong para sa akin at nagsalin ng juice roon. Mabilis ko iyong ininom ngunit hindi iyon nakabawas sa matinding uhaw na nararamdaman ko. Pakiramdam ko nga ay mas nauhaw pa ako kaya muli akong nagsalin sa baso. Ilang beses ko na bang ipinaalala sa sarili na magiging mahaba at nakakapagod ang imbestigasyong ito? Maraming beses na at halos oras-oras ay iyon ang ipinapaalala ko sa sarili ko. Ngunit ngayong nagsisimula nang maging komplikado ang lahat ay para nang nananakit ang ulo ko. Hindi ko na alam kung alin o anong lead ang susundan ko. Sa kauna-unahang pagkakataon ay pinagdudahan ko ang sarili kong kakayahan. Parang hindi na ako sigurado sa ginagawa o gagawin ko pa. "Masyad