Myra's Pov: Inayos ko ang buhok nang muling liparin iyon ng malakas na hangin. Malamig ang pakiramdam na ibinibigay ng hangin kahit pa tirik na tirik ang araw. Kung gaano kadilim at kabigat ang nararamdaman ko, kabaliktaran naman niyon ang itsura ng paligid. Maaliwalas ang asul na asul na langit. Kumikislap ang paligid dahil sa sikat ng araw. Mainit ngunit hindi maalinsangan. Napakaganda ng kapaligiran dahil sa aliwalas na ibinibigay ng kalangitan. Tila ba ay walang puwang ang kadiliman o anumang may kaugnayan doon sa paligid. Walang bakas na maaaring umulan. Tinanggal ko ang mga mata sa kalangitan at muling itinuon ang paningin sa puntod ni Algean. Nanatili ang mga mata ko sa larawan ng lalaking minamahal. Kanina pa natapos ang libing ni Algean. Wala na ring naiwan sa mga nakipag