Myra's Pov: The development I thought we're finally having faded just like that. Iyong inaakala kong lead na makikita ko sa kaso ni Mikaela Danao, kaagad ding nawala, kasabay nang paglabo ng kaunting pag-asang pilit kong pinanghahawakan. Ilang minuto na ang nakalipas mula nang kumpirmahin ni Roosevelt ang tanong ko ngunit kahit isa sa amin ay walang kumilos, ni wala man lang nakapagsalita. Nanatili akong nakatayo, hindi alam kung ano ang dapat na isipin. Si Roosevelt ay nakaluhod pa rin sa sahig habang umiiyak. Pilit na pinipigilan n'ya ang paghikbi ngunit may lumalabas pa rin mula sa kanya. Si Ronmar naman ay sapo ang ulo at sigurado akong disappointed s'ya sa impormasyong nakuha namin. Gusto kong tumawa nang sobrang lakas. Sinong mag-aakalang hindi lang pala simple ang istorya sa li