Myra's Pov: Nagmulat ako ng mga mata nang maramdamang natapos na ang nurse sa paglilinis ng naging sugat ko sa hita. Ang pakong nakausli sa kahoy na bumagsak sa akin ay may kaunting kalawang. Swerte nga raw ako dahil hindi iyon bumaon nang tuluyan sa hita ko at hindi sapat ang kalawang na mayroon ang dulo niyon para magkaroon ng komplikasyon ang maliit na sugat na ginawa niyon sa aking hita. Ngunit binigyan pa rin ako ng gamot para roon. Napangiwi ako nang subukan kong kumilos. Saka ko lang naalala na masama ang naging pagbagsak ko kaya kinailangang lagyan ng brace ang likuran ko. Wala naman akong natamong kahit anong malubhang injury roon. Walang butong na-dislocate, iyon nga lang, nabugbog ang bahaging iyon ng katawan ko kaya kinailangang lagyan ng brace para mas bumilis ang pagkaka