Myra's Pov:
"May lakad ka ba pagkatapos ng duty natin, Detective?"
Mula sa tanawing nasa labas ng bintana ng sasakyan ay inilipat ko ang mga mata ko sa kapwa-pulis na nagmamaneho ng sasakyan.
Nasa edad dalawampu at tatlo si Ronmar, bata at likas na makulit gayunpaman ay ipinagpapasalamat kong s'ya ang kapareha ko sa bawat kasong hinahawakan ko at maging sa pagro-ronda sa buong distrito ng Raja Soliman.
"Syempre naman!" I said proudly. "Alam mo namang pagkakatapos ng duty ko lang naaasikaso ang mga dapat kong asikasuhin, hindi ba?"
Nalukot ang mukha ng lalaki bago itinuon ang atensyon sa kalsada.
Alas tres y medya na ng hapon at kasalukuyan naming nililibot ang distritong nasasakupan ng presintong pinaglilingkuran ko dito sa bayan ng Raja Soliman.
Bilang isang alagad ng batas ay isa sa tungkuling sinumpaan ko ay ang siguraduhin ang kapayapaan at kaayusan dito sa Raja Soliman. Hindi naman mahirap gawin iyon dahil lahat ng mamamayan dito sa Raja Soliman ay nakikiisa sa pagkakaroon ng maayos at tahimik na pamayanan.
Maging ang mga nasa posisyon, sa kapulisan man o sa mga nanunungkulan sa munisipyo ay nakahandang makipagtulungan para sa mas ikagaganda pa ng bayan. Iyon ang dahilan kung bakit halos mahigit isang dekada nang maunlad ang buong bayan ng Raja Soliman.
Sabi nga nila, it takes two to tango at iyon ang nangyayari sa lahat ng naninirahan dito sa Raja Soliman.
"Ibig bang sabihin niyon ay totoo ang mga naririnig ko tungkol sa nalalapit mong resignation, Detective?" tanong ni Ronmar.
Nangislap ang mga mata ko sa narinig. Mahal na mahal ko ang propesyon ko gaano man iyon kapanganib. Handa din akong ibigay ang buhay ko para sa tungkuling sinumpaan ko ngunit pinili ko iyong isuko para sa bagong kabanata ng buhay na tatahakin ko.
"Oo," I replied at nginitian ang lalaki. "May tatapusin lang akong mga bagay para hindi n'yo na problemahin iyon bago ako tuluyang umalis sa serbisyo."
Sumimangot si Ronmar. "Ibig sabihin ay magkakaroon ako ng bagong partner? Sigurado ka na ba talaga na aalis ka, Detective? Hindi ba at buhay mo na ang trabaho natin?"
Tinapik ko sa balikat ang lalaki. "Tama ka. Buhay ko na ang propesyon natin at sigurado akong mami-miss ko ang lahat ng ito ngunit hindi na lang buhay ko ang nakasalalay sa oras na magkaroon ako ng pamilya. Alam mo namang pangarap kong magkaroon ng maayos at tahimik na buhay may pamilya, hindi ba?"
"Did Doctor Ledezma asked you? Pinilit ka ba n'yang umalis sa serbisyo?"
I chuckled. Kahit ako ay dinig na dinig ang buhay at masiglang boses ko.
Ang taong binanggit n'ya ay ang taong isa sa dahilan kung bakit pakiramdam ko ay araw-araw akong nasa cloud nine.
Si Doctor Algean Ledezma ay ang una at nasisiguro kong huling lalaking mamahalin ko. S'ya din ang lalaking nakatakda kong pakasalan, ilang linggo mula ngayon.
"Kilala mo si Algean," sambit ko. "Alam n'ya kung gaano kahalaga sa akin ang trabaho ko at hinding-hindi n'ya hihilingin ang pag-alis ko sa serbisyo."
"Iyon naman pala!" Ronmar exclaimed. "Huwag ka nang mag-resign, Detective!"
I giggled. Hindi ako sumagot at muling tumingin sa labas ng bintana.
Nasa medyo ilang na bahagi na kami ng Raja Soliman at mga nagtataasang talahib na ang nakikita ko sa kaliwang bahagi ng daan. Malawak ang bakanteng lupaing iyon na nakatakdang tayuan ng isang shopping mall na mas magbibigay ng hanapbuhay sa mga mamamayan ng bayan.
Sa kaliwang bahagi naman ay ang Raja Soliman Dam na nagsusuplay ng malinis at malamig na tubig sa buong bayan. Ang dam na iyon din ang dahilan kung bakit ang buong lalawigan ng Limbayon ay hindi nagkakaroon ng suliranin sa tubig.
"Kakausapin ko na lang si Doctor Ledezma at pipilitin ko s'yang huwag kang payagan sa pagre-resign," sabi ni Ronmar na ikinatawa ko.
"Desisyon ko ito, Ron," wika ko. "Saka hindi naman ako mawawala, mananatili ako dito sa Raja Soliman at handa akong tumulong kung kakailanganin n'yo ang expertise ko."
"Iyon na nga, Detective..." Ronmar sighed. "Isa ka sa magagaling na detective dito sa bayan natin at malaki kang kawalan sa serbisyo. "
"Lahat naman ng detective at miyembro ng kapulisan dito sa atin ay tapat at maaasahan kaya nasisiguro kong hindi n'yo mararamdaman ang pagkawala ko sa serbisyo. Madami ding magagaling na detective na siguradong magugustuhan mong maging kapareha."
Hindi na nagsalita si Ronmar.
Katulad nang sabi ko sa kanya ay sarili kong desisyon ang gagawin kong pag-alis sa serbisyo. Maaari akong magsimula ng isang bagong propesyon o negosyo ngunit hindi na katulad ng pinili kong propesyon.
Nang tanggapin ko ang alok na kasal ni Algean ay kasama na doon ang pagyakap ko sa magiging pamilya ko sa hinaharap. Ayokong maging sanhi ang propesyon ko para malagay sa kapahamakan ang bubuin naming pamilya ng kasintahan ko.
Ayokong hanggang sa mag-asawa na kami ay mararamdaman pa din n'ya ang nararamdaman n'ya sa tuwing may kaso akong hinaharap. Ayokong makita s'yang nahihirapan at naghihintay sa labas ng emergency room kapag nagkakaroon ako ng tama ng baril o nagtatamo ng anumang injury.
He's the best doctor I know but when it comes to me, naba-blangko s'ya sa takot at ayokong maramdaman n'ya iyon. Ilang beses na bang nanginig ang mga kamay n'ya sa tuwing ako ang kailangan n'yang iligtas ang buhay? Maraming beses na at gusto ko na iyong tuldukan.
"Si Mang Kanor iyon, hindi ba?" Itinuro ko ang isang matandang lalaking naglalaro sa gitna ng malawak na lupain na punong-puno ng talahib.
Itinigil ni Ronmar ang sasakyan sa tabi ng daan. Nauna na akong bumaba ng sasakyan at nag-radyo sa presinto.
"We found Mang Kanor," pagbibigay alam ko sa mga kasamahan sa presinto bago tinakbo ang kinaroroonan ng matanda.
May dementia si Mang Kanor kaya lagi s'yang nawawala sa tuwing lalabas s'ya ng bahay. Minsan naman ay tumatakas talaga s'ya at dito sa talahibang ito namin s'ya madalas matagpuan.
Hindi ko alam ang buong detalye ngunit base sa kwento ng nakakarami ay hanggang ngayon ay hinahanap pa din ni Mang Kanor ang anak n'yang babae na matagal nang nawawala.
Sinubukan ko ding buksan ang imbestigasyon sa nawawalang anak ng matanda ngunit kapos ako sa impormasyon. Walang witness at kahit anong lead na pwede kong sundan kaya matapos ang ilang taon pag-aaral sa kaso ay sinukuan ko din iyon.
"Mang Kanor!" Hinihingal pa ako nang makarating ako sa kinaroroonan ng matanda.
"Dito! Dito, Myra!" Tumalon-talon si Mang Kanor. "Dito ko nakita si Maebel! Puting sasakyan! Puting sasakyan!"
Dinukot ko ang panyo sa bulsa ko at ipinahid sa putik na nasa pisngi ng matanda.
"Makikita din natin s'ya, Mang Kanor," mahinahong sabi ko.
"Ang bilis mo talagang tumakbo, Detective!" Humahangos na lumapit sa amin si Ronmar at hinarap ang matanda. "Kumusta kayo, Mang Kanor? Maayos lang ba kayo?"
Hindi s'ya sinagot ng matanda. Nagtatalon ang matanda habang isinisigaw ang mga salitang "puting van".
❤