Myra's Pov: Pareho kaming natahimik ni Ronmar. Nanatili akong nakasandal sa sofa samantalang s'ya naman ay pinagtuunan ng pansin ang mga natitirang sandwich. Mukha talaga s’yang gutom na gutom. Sabagay, sino bang hindi magugutom kung ganito ang tema ng pinag-uusapan? Kahit nga ako ay nakakaramdam na ng pagkalam ng sikmura. Hinayaan ko na lang muna s'ya dahil sigurado akong napagod s'ya kakakuwento sa akin ng mga sinabi n'ya. Hindi ko nga alam kung paano n'ya nagawang intimdihin ang mga iyon. Siguradong noong unang beses na nalaman n’ya ang tungkol sa mga iyon ay ganito rin ang naramdaman n’ya, iyong parang sasabog na ang ulo sa rami ng mga impormasyong dapat na iproseso. "May mga bagay pa akong hindi sinasabi sa 'yo, Detective," ani Ronmar pagkaraan ng ilang minutong pananahimik. Inubos