Myra's Pov: "Bakit? Nasaan si Roosevelt?" gulat na tanong ko. "Hindi ba at ibinalita mo sa akin na nagsimula na ang rehabilitation n'ya?" Alam ko iyon dahil araw-araw akong inu-update ni Ronmar. Hindi na n'ya kinailangang pilitin pa si Roosevelt, desidido ang kasintahan ni Mikaela na itama ang naging pagkakamali n'ya noon. Handa s'yang baguhin at ipagpatuloy ang takbo ng buhay n'ya. "Nagsimula na s'ya noong nakaraan pa. Tinupad n'ya ang sinabi n'ya sa akin na magpapa-rehab s'ya. Nagsimula na s'ya at araw-araw n'ya akong tene-text para ibalita ang nangyayari sa kanya." "Then, ano itong sinasabi mong nawawala s'ya?" Gusto ko nang singhalan si Ronmar. Umiling si Ronmar. "Hindi ko alam. Magkausap pa kami kahapon at kung boses n'ya ang pagbabasehan ko, wala akong napansing kakaiba sa kanya