Myra's Pov: Madilim ang paligid dahil mukhang nagtago maging ang buwan at ang mga bituin. Nakabukas ang lahat ng lamp post na nasa paligid ngunit hindi sapat ang liwanag na nagmumula sa mga iyon para tanggalin ang nakakatakot na presensyang ibinibigay ng gusali. Ni hindi nga nabawasan ang eerie feeling na nararamdaman ko mula sa lugar na ngayon ay tinutungo na namin. Minabuti ni Ronmar na mag-park sa isang parking space na nasa kabilang street. Hindi namin puwedeng isugal ang pagkakataong ito kaya sobra talaga kaming nag-iingat. Walang mga sasakyang naka-park sa bahaging ito kaya minabuti naming i-park ang Conquest sa parking space na kung saan ay may ilan ding sasakyan na naroon. That way, kung sakali mang may maligaw na kung sinumang sugo ng demonyo, hindi sila makakabuo ng kahit anon