Myra's Pov: Nauna na akong pumasok sa cafè. Nagpaiwan si Ronmar sa labas at hindi ko na kailangang itanong kung bakit. Gusto n'yang makasigurong nakalayo na nga ang team ni Detective Lucero at hindi na babalik pa. Dahil sa oras na bumalik sila rito at makita na kausap namin ang isa sa mga taong malapit sa biktima ng kasong iniimbestigahan nila, nasisiguro kong malaking gulo iyon. Hinayaan ko na lang muna si Ronmar sa labas. Kaagad na sinuyod ko ang kabuuan ng coffee shop. Kung mukhang maliit dahil sa hugis niyon sa labas, maluwang naman ang mismong loob ng coffee shop. At hindi ko na kailangang manghula kung saan inspired ang loob ng shop— it's a hobbit-like house. Mula sa interior design hanggang sa mga kasangkapan. Akala ko nga ay luma na ang loob ng shop dahil nagfe-fade na ang pin