Myra’s Pov: Napatingin ako sa may tatlong palapag na gusali ng ospital ng Raja Soliman. Kung dati ay nakakaramdam ako ng pagmamalaki sa tuwing mapapagawi ako rito dahil isa sa magagaling na doktor ng ospital ang taong pinili kong mahalin, ngayon naman ay pait at kirot ang hatid sa akin ng gusali. Kakaibang takot at pagkamuhi ang namamahay sa puso ko. Hindi ko alam kung paano ko tatanggapin ang katotohanang ang isa sa mga doktor na pinagpipitagan ng ospital na ito ay nasa loob at sumasailalim sa autopsy. Hindi ko na alam kung ano pa ba ang puwede kong maramdaman sa tuwing sumasagi sa isip ko kung ano ang mga posibleng pinagdaanan ni Algean bago s’ya namatay. Pinahirapan ba s’ya? Binigyan man lang bs s’ya ng anesthesia bago kunin ang puso n’ya? Pinakain man lang ba s’ya o pinainom ng tub