Myra's Pov: May tatlumpung minuto na yata mula nang makaalis si Ronmar dala ang sasakyan ko at iwan ako rito sa tapat ng pinto ng sana ay magiging tahanan namin ni Algean pero hanggang ngayon ay nandito pa rin ako sa labas. Hawak ko ang kopya ng susi na ibinigay sa akin ni Algean pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin magawang gamitin iyon. Saulo ko rin ang combination ng password sa smartlock ngunit ni kahit iyon ay hindi ko magawang pindutin. Hirap na hirap akong buksan ang pinto dahil pakiramdam ko ay mamamatay ako sa oras na maramdaman ko ang katotohanang tanging alaala na lang ni Algean ang naiwan sa akin. Nangangalay na rin ang mga tuhod ko dahil sa tagal ng pagkakatayo ngunit para akong natuod. Nanatili akong nakatayo habang nakayuko at mahigpit ang pagkakahawak sa duplicate ke