Myra's Pov: Katulad ng hinala ko, ni hindi man lang ako nakaramdam ng kahit kaunting antok. Ginamit ko ang ilang oras sa pagsasalansan ng mga iniregalo sa akin ni Algean. Wala naman ito sa plano ko pero mas mabuti nang malibang ako kahit paano. Bawat parte yata ng bahay ay nalagyan ko ng mga iyon. Hindi lang naman mga teddy bear at mga pang-regalo ang mga ibinigay sa akin ni Algean noong nabubuhay pa s'ya. Marami rin iyon at hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng pangungulila habang isinasalansan ang mga iyon. Hindi na nga siguro mawawala sa akin ang ganitong uri ng pakiramdam. Makakasanayan ko pero hinding-hindi na mababago pa o mababawasan ang sakit na nararamdaman ko. Matapos kong ayusin ang mga gamit ay naglinis na rin ako kahit na hindi naman madumi ang buong bahay. Nagwalis ako a