Myra's Pov: Pinilit kong maglagay ng ngiti sa mukha pero hindi ko rin nagustuhan iyon. Halatang pilit na pilit iyon at hindi pa nakatulong ang mga mata kong hanggang ngayon ay namamaga pa rin. Kanina ko pa sinusubukang ayusin ang sariling ekspresyon sa harap ng salamin. May tatlumpung minuto na yata akong nagpa-practice sa harap ng salamin pero hindi ko pa rin magawang magustuhan ang nakikita. Nakatulong naman kahit paano ang pagkakagay ko ng foundation at lipstick pero hindi naitago ng mga iyon ang kalungkutang mayroon ang mga mata ko. Hindi na rin sinsero ang mga ngiti ko at hindi ko lubos maisip kung paano ako nabago ng pinakamasakit na pangyayari sa buhay ko. Isang linggo na ang nakararaan mula nang hindi ako siputin ni Algean sa kasal namin. Matagal na ang pitong araw pero sa hal