Myra’s Pov: Pagkaraan ng ilang minuto ay may kumatok sa pinto ng silid. Pumasok doon ang isa sa mga staff ng restaurant habang tulak ang isang maliit na cart. Nasa ibabaw niyon ang isang tea pot na nakapatong sa kulay berdeng ceramic na halatang mamahalin. May dalawa ring maliliit na tasa na parehong nakataob sa mas maliit na ceramic. Ngumiti muna sa akin ang staff bago inilagay ang tea pot sa lamesa. Ang isang tasa ay inilagay n’ya sa harapan ko at sinalinan ng tea. Ang isa pang tasa ay inilagay n’ya sa tapat ng upuang kaharap ko. “Isa po ito sa ipinagmamalaking tea ng restaurant namin na in-export pa from Japan,” pagbibigay-alam sa akin ng staff. “Sana po ay magustuhan n’yo habang hinihintay n'yo ang kasama n’yo.” Kiming ngumiti ako sa kanya bago tumango. Magalang na yumukod ang staf