Myra’s Pov: “Ibig mo bang sabihin ay kahit sina Detective Lucero ay nahihirapan sa pag-iimbestiga sa kaso ni Mikaela Danao?” tanong ni Ronmar. Nakalayo na kami nang tuluyan sa headquarters at ngayon pa lang s’ya tumayo mula sa pagkakaupo sa sahig sa backseat. Naupo s’ya sa backseat at isinandal ang katawan doon. Inilapat n’ya ang mga binti sa upuan dahil mukhang nangalay ang mga iyon. “Nope, hindi sila nahihirapan sa imbestigasyon,” sabi ko at bahagyang umiling. “Wala lang talagang ginagawa si Detective Lucero para umusad ang imbestigasyon sa kaso ni Mikaela Danao.” “Ano?!” bulalas ni Ronmar. “Ang akala ko pa naman ay kaya kinuha sa presinto natin ang kasong iyon ay para mapagtuunan ng pansin. Kaya nga kahit paano ay umaasa akong may mangyayari sa kaso ni Mikaela. Nangako pa naman ako