Myra's Pov: Tila isang eksena sa isang action anime' series ang nangyari. Natahimik ang buong paligid at walang kahit sino sa amin ni Ronmar ang nagsalita. Nanatili kaming nakatingin sa isa't-isa. Umihip ang malakas na hangin at muli niyong nilipad ang buhok ko, mas naging magulo iyon. Hindi katulad kanina, hindi ko pinagkaabalahang supilin ang hinahanging buhok. Hinayaan ko lang silang nakasabog. "Case closed?" ulit ko sa sinabi n'ya. "Paano? I mean, anong nangyari? Nahuli na ba ang sindikatong nasa likod ng krimeng ito?" sunod-sunod kong tanong. Mapait na umiling si Ronmar. "Nahuli na ang pumatay kay Mikaela Danao, Detective. Kaninang umaga lang nakarating sa presinto ang balita ngunit kanina pang madaling araw nahuli iyong lalaking pumatay sa kanya." Mas lalo akong naguluhan sa sin