Myra’s Pov:
Kakatok pa lang ako sa pinto ng opisina ni Chief Regalado nang bumukas iyon. Kulang na lang ay yakapin ko ang taong lumabas mula roon. Akala ko talaga ay may nangyari nang hindi maganda sa kanya.
“Detective, anong ginagawa mo rito?” takang tanong ni Ronmar nang makita ako.
Mabilis na sinuyod ko ang paligid at nang masigurong walang nakatingin sa amin ay kaagad ko s’yang itinulak pabalik sa loob ng silid. Hindi naman s’ya nagreklamo, napakamot na lang s’ya sa ulo.
“Oh, Ronmar, may problema ba? May nakalimutan ka bang sabihin sa akin? May gusto ka pa bang— Myra, anong ginagawa mo rito?” takang tanong ni Chief nang makita ako.
Kumakamot sa ulong umupo si Ronmar sa sofa. “Mukhang na-miss ka rin n’ya, Chief,” dagdag pa ng lalaki.
Lumapit na rin ako sa receiving area ng opisina at naupo sa couch na katapat ng inuupuan ni Ronmar. “May importante lang akong sasabihin, Chief. Huwag kayong mag-alala, hindi naman ako magtatagal. Sandali lang ito.”
Nakakunot ang noong umupo si Chief Regalado sa sofa at hinarap ako. “Ano naman itong imporateng bagay na sasabihin mo? Kasal mo na bukas, hindi ba?”
Kiming ngumiti ako at sinulyapan si Ronmar. “Tungkol po ito sa hiniling ko sa inyo. Tungkol sa imbestigasyon sa kaso ng pagkawala ni Maebel.”
“Oh, ano ang tungkol sa kasong iyon?” Kaagad na nakuha ko ang atensyon ni Chief Regalado. “Tamang-tama dahil iyon ang pinag-uusapan namig ni Detective Ronmar bago ka dumating.” Itinuro pa n’ya si Ronmar kaya agad na napakunot ang noo ko.
Mabilis na ngumiti si Ronmar. “Gusto ko ngang pumunta sa inyo para personal na makausap ka, Detective Myra. Pinigilan lang ako ni Chief dahil bukas na ang kasal mo at ayoko namang bigyan ka ng isipin pa. Plano ko sanang hintayin na lang na makabalik ka mula sa honeymoon n’yo ni Doctor Algean—
“Let’s stop here,” putol ko sa sasabihin pa sana ni Ronmar. “Itigil na natin ang imbestigasyon sa kaso ng pagkawala ni Maebel,” wika ko habang seryosomg nakatingin kay Chief Regalado.
Hindi na ako nagulat sa naging reaksyon nina Chief at Ronmar. Pareho nilang hindi inaasahan ang sinabi ko. Kahit naman ako, hindi ko rin inaasahan na darating ang panahon na babaliin ko ang kagustuhang maresolba ang kaso ni Maebel. Ngunit anong magagawa ko? kailangan ko itong gawin dahil may mga bagay na kailangang hayaan na lang at huwag nang bungkalin pa.
Dahil may mga pangyayari mula sa nakaraan na hindi makabubuti kung huhukayin pa. Kaya nga nabaon na iyon sa nakaraan dahil hanggang doon na lang iyon, hindi na makabubuti sa kasalukuyan kung mananatili iyong anino sa nakaraan.
Isa pa rin akong alagad ng batas at kahit na isang karuwagan sa sinumpaang tungkulin ang naging desisyon ko ay wala akong magagawa. Mas pipiliin kong maging duwag kaysa may mga taong mapahamak nang dahil lang sa kagustuhan kong may mapatunayan.
Noong una, ang tanging dahilan ko kaya gusto kong maresolba ang kaso ni Maebel ay dahil gusto kong patunayan sa lahat na walang limitasyon ang kakayahan ko. That I am more than what everyone thought of me. I want to prove to everyone that I am superior than them.
And then, I failed.
Dapat nga ay noon pa ako tumigil, noong panahong nabigo akong maresolba ang kaso ng anak ni Mang Kanor. Dapat ay tinuldukan ko na ang kasgustuhan kong maisara ang kasong iyon. Ngunit likas na matigas nga yata ang ulo ko dahil kahit na pansamantala kong kinalimutan ang tungkol doon ay hindi pa rin iyon tuluyang nawala sa isip ko. Dahil alam kong sa oras na makakita ako ng pagkakataon na muling buksan iyon ay tiyak na gagawin ko.
At ang pagkakataong nakita ko ay ginamit ko nga. Hindi ko nga lang akalain na kasabay ng determinasyong tapusin ang kasong iyon, susundutin naman ako ng konsensya ko at mga agam-agam na hindi ko talaga alam kung saan nanggagaling.
Huminga ako nang malalim at sinalubong ang mga mata ni Chief Regalado. “Alam ko pong hiniling ko sa inyo na magkaroon ng lihim na imbestigasyon sa kaso ni Maebel at nasisiguro kong naiisip n’yong baka pinagtitripan ko lang kayo. But, Chief, hihilingin ko sanang itigil na natin ang imbestigasyon. Kailangan na itong matigil.”
“Detective Myra!” Hindi makapaniwalang tumingin sa akin si Ronmar. “Anong sinasabi mong dapat na nating itigil ang imbestigasyon tungkol sa kaso ni Maebel? Bakit? Ano ang dahilan mo?” sunod-sunod na tanong sa akin ng dati kong kapareha.
Halata ang gulat sa mukha nilang dalawa. Nanatili nga lamang na kalmado si Chief samantalang si Ronmar ay napatayo na at hindi makapaniwalang nakatingin sa akin. Nakasabunot na rin s’ya sa magulo na n’yang buhok.
Matipid na ngiti ang ibingay ko sa dating kasama. “I’m sorry, Ron, but you should stop now.”
“And why would I?” nagsasalubong ang mga kilay na tanong ni Ronmar. “Alam mo man lang ba ang mga bagong impormasyong nalaman ko tungkol sa kasong ito?”
Sandali akong natahimik dahil sa sinabi n’ya. May bago s’yang impormasyong nalaman?
Naikuyom ko ang mga kamay. Gustong-gusto kong itanong kung ano ang mga impormasyong nalaman n’ya pero pinigilan ko ang sarili. Nangangati ang dila ko para alamin ang kaalamang sinasabi n’ya ngunit pinili kong itikom ang bibig.
Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Chief Regalado bago suamandal sa sofa. “Iyan ba ang dahilan kung bakit ka nagpunta rito?” tanong pa n’ya. “Na kahit bukas na ang kasal mo ay nag-aksaya ka pa ng oras para sabihin sa akin ang bagay na iyan?”
“Chief, hindi ako papayag,” salo ni Ronmar at disappointed na tumingin sa akin. “Alam kong ilang araw pa lang akong lihim na nag-iimbestiga sa kaso ni Maebel ngunit nag-invest na ako ng oras at panahon sa kasong ito. Lahat din ng uri ng imbestigasyon ay ginawa ko na dahil gusto kong maresolba agad ang kasong ito para mairegalo ko sa kasal mo, Detective Myra. Kaya hindi ko alam kung bakit mo sinasabi sa akin na kailangan ko nang tumigil. Hindi ko iyan gagawin. Ayoko.”
Nakagat ko ang ibabang labi. Tinapik ko ang braso n’ya. “But, you have to stop. Habang maaga pa at habang hindi ka pa nakakapaghukay nang malalim. Mas mabuting tumigil ka na habang hindi ka pa nalulunod sa aksong iyan.”
Mas nangunot ang noo ni Ronmar. “Bakit? Anong dahilan at parang naduwag ka yata, Detective Myra?”
I heaved a sigh again. “I am no longer a detective, Ronmar. I am not a part of the force anymore. I came here as a friend, as your friend.”
Napailing si Ronmar. “Hindi kita maintindihan. Alam mo bang may bago nang lead sa kaso ni Maebel, Detective Myra? Ito na ang pagkakataon kong resolbahin ang kasong ito. Ito na iyong matagal mo nang hinihintay para malaman ang huling bakas ng anak ni Mang Kanor.”
Itinaas ko ang isang kamay para patigilin s’ya sa pagsasalita. “Stop, Ronmar. I’ve heard enough at ayoko nang makarinig pa ng kahit ano mula sa ‘yo lalo na kung tungkol sa kasong ito.”
“Ronmar,” Chief Regalado called my former partner. “Mas mabuti pang lumabas ka na muna. Hindi maganda kung magtatagal ka pa rito at baka mag-isip ang iba mong mga kasama. Ako na muna ang makikipag-usap kay Miss Guiambao para sa usaping ito.”
Nakita ko ang pagdadalawang-isip ni Ronmar. Halatang ayaw pa n’yang lumabas ngunit wala naman s’yang magagawa dahil higit na mataas ang posisyon ni Chief.
Huminga s’ya nang malalim bago tumingin sa akin. “Hindi ko alam kung ano ang dahilan mo, Detective Myra. Ni hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa ‘yo para baliin ang sarili mong salita ngunit gusto kong sabihing hindi mo ako puwedeng patigilin sa ginagawa kong imbestigasyon nang ganoon na lang. Kailangan ko ng matibay at katanggap-tanggap na rason.” Matapos sabihin iyon ay dumiretso na s’ya sa pinto at lumabas na ng silid.
Sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan namin ni Chief Regalado. Nanatiling nasa akin ang mga mata ng superior ko na tila ba ay sinusubukan n’yang basahin ang laman ng isip ko. Sigurado nga lang akong wala s’yang makukuhang sagot sa akin kahit pa titigan n’ya ako hanggang sa lumubog ang araw.
“What is it?” Matapos ang mahabang sandali ng katahimikan ay tanong sa akin ni Chief. “Care to tell me?”
Hindi ako nagsalita. Hindi ko rin alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang mga iniisip ko. Dahil kung tutuusin ay wala akong sapat na rason para hilingin sa kanila na tigilan na ang isinasagawang imbestigasyon ni Ronmar.
“Nasisiguro kong hindi ka pupunta rito nang walang sapat na dahilan,” dagdag pa ni Chief. “At hinding-hindi mo hihilingin ang bagay na iyan kung wala kang matibay na rason lalo na at kabaliktaran iyan ng gusto mong mangyari.”
Mapait na napangiti ako. “Chief, maniniwala ba kayo kung sasabihin kong gusto ko pa ring malaman kung ano ang totoong nangyari kay Maebel? Pakikinggan n’yo pa rin ba ako sa oras na sabihin kong gusto ko talagang maresolba ang kaso n’ya at hanggang ngayon ay umaasa pa rin ako na makukuha n’ya ang hustisyang para sa kanya sa oras na mapatunayan kong wala na nga s’ya sa mundong ito?”
Sandaling nanahimik si Chief Regalado bago tumikhim. “Alam mo ba ang dahilan kung bakit hinahayaan kitang gawin ang gusto mo? Kahit minsan ba ay naisip mo kung bakit kahit na nagiging sakit na kita sa ulo ay hinahayaan lang kita sa mga ginagawa mo? Kahit pa nga hindi naman kaso ng departement mo ay pinakikialaman mo, and wala kang narinig na masama mula sa akin.”
Marahan akong umiling. “Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin ang tungkol doon, Chief. Hindi naman ako naniniwala sa mga sinasabi ng iba na paborito mo ako kaya ini-spoil mo ako.”
Bahagyang natawa si Chief Regalado. “Favoritism? I didn’t have any of that. I let you do whatever you wanted because I know that you have to do that. Dahil naniniwala ako na sa ganitong uri ng mundo, may isang taong kailangang tumayo sa sarili n’yang mga paa at manindigan. And I believed that that person was you.”
Tumango ako.
“Naniniwala ako sa kabutihang mayroon ka, Miss Guaimbao. Bukod sa galing at kapasidad, may puso ka para sa batas at sa mga nagiging biktima ng hindi pantay o kawalan ng hustisya. That was the reason why I never interfere with your decisions. Dahil ikaw lang ang nakita kong alagad ng batas na hindi natatakot sa dilim ng mundong ito.”
Nagyuko ako ng ulo. Dahil mukhang ibang tao na ang tinutukoy n’ya, hindi na ako. Dahil isa iyon sa dahilan kung bakit pinili kong maging duwag sa mga oras na ito, dahil natatakot akong bigla na lang dumilim ang maliwanag kong mundo at iyon yata ang hindi ko kaya.
“Kaya hindi ko alam kung bakit mo hinihiling sa akin ang bagay na ito,” Chief Regalado continued. “Siguro naman ay narinig mo ang sinabi ni Detective Ronmar kanina, may nalaman na s’yang bagong impormasyon tungkol sa kaso ng anak ni Mang Kanor. Sa oras na pagbiyan ko ang kahilingan mo ay mawawalan ng saysay ang mga bagong impormasyong nalaman ni Detective Ronmar.”
Napailing ako. “Hindi ko alam kung sapat ba ang dahilan ko, Chief.”
“So, what is it?”
Malungkot na nagtaas ako ng mukha at tumingin sa mga mata n’ya. “Instinct, Chief. My guts told me that digging about the past would put us to danger. Wala na ako sa serbisyo ngunit ayokong pati kayo ni Ronmar ay mapahamak dahil lang sa kahilingan kong wala naman talagang basehan.”
“So, you want Ronmar to stop investigating this case?”
Mabilis akong tumango. “Ayoko s’yang mapahamak, Chief. Ayoko ring malagay sa alanganin ang posisyon at pangalan n’yo. Before things goes south, make him stop, Sir.”
“Alam mo namang ni kahit minsan ay hindi ko inisip ang pangalan o posisyon ko,” wika n’ya sa mababang boses. “Wala akong pakialam sa mangyayari sa akin as long as nagagawa ko ang sinumpaan kong tungkulin.”
“At iyon ang dahilan kung bakit malaki ang tiwala ko sa inyo, Chief.”
Chief Regalado sighed. “Alright. Kakausapin ko si Ronmar at sasabihin ko sa kanya na itigil na ang ginagawang n’yang imbestigasyon. Hindi ko nga lang s’ya agad masasabihan para maiwasan ang pagdududa ng iba.”
Ilang beses pa akong napakurap. Hindi ko akalaing hindi na n’ya ako tatanungin ng kahit ano o tungkol saan. Akala ko nga ay mahihirapan pa akong kumbinsihin si Chief Regalado.
“Sapat na sapat ang dahilan mo, Miss Guiambao.” Tinapik ni Chief ang dibdib n’ya. “Kung may isa mang bagay na hindi dapat balewalain ng mga katulad natin, iyon ay ang kutob natin.”