Myra's Pov: Hindi ko na pinansin pa ang pagkatulala ni Chief Regalado. Tinungo ko ang silid na kinaroroonan ng katawan ni Algean. Hindi ko na nga lang nagawang lumapit sa kinahihigaan ng bangkay ni Algean. Napahawak ako sa gilid ng pinto at umiiyak na napaupo sa sahig habang nakatingin sa katawan ng lalaking pinakamamahal. Nanikip ang dibdib ko sa sobrang sakit. Gusto kong tumayo at lumapit sa kanya para gisingin s'ya pero nawala ang lahat ng lakas na inipon ko. Maging ang galit na pinanghahawakan ko ay mabilis na naglaho. Purong kalungkutan lang ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Hindi ko na napigilan ang sarili. I shouted in pain. Ang paghihinagpis ko ay humalo sa iyak nina Tito Gene at Lazarus. Si Tito Gene ay nakaupo na sa sahig habang hawak ang paa ng kinalalagyan ng katawan