Myra's Pov: Kaagad na bumangon sa akin ang galit. Kulang na lang ay lamukusin ko ang cellphone ni Ronmar. Kung hindi nga lang matigas iyon ay baka kanina pa iyon nayupi dahil sa higpit ng pagkakahawak ko roon. "Patay na ang taong pinaniniwalaan ng publiko bilang suspek sa pagkamatay ni Mikaela," ani Ronmar. Nakasabunot s'ya sa buhok n'ya. "Paano pa natin magagawang patunayan na isang sindikato ang nasa likod ng mga ito kung awtomatik nang isasara ang kaso?" Hindi ako sumagot. Kahit ako ay iyon din ang tanong. Kung sana ay hindi naging ganito ang kinahinatnan ng kaso ni Mikaela, magagamit pa sana namin ito bilang lead sa kaso ni Algean. Helpless na napatingin ako sa puntod ni Algean. Pakiramdam ko ay nahihiya ako sa kanya. Ang lakas ng loob kong mangako sa kanya na ibabalik ko sa kataw