Chapter 8- Instinct

2035 Words
Myra's Pov: May kalayuan ang kinaroroonan ng presinto ng Raja Soliman kaya hindi na ako nagtaka nang madagdagan ang bilis ng takbo ng sasakyan namin. Ramdam na ramdam ko rin ang pag-aalala sa akin ni Algean. Nangingiting tumitig ako sa mukha ni Algean habang nakatutok ang buo n'yang atensyon sa pagmamaneho. Literal na matamgos ang ilong ni Algean. Bilugan ang mga mata n'ya at kahit na manipis ang mga pilik-mata n'ya ay bumagay iyon sa malambot na features ng mukha n'ya. Manipis ngunit nakakorte ang kilay n'ya at natural na mamula-mula ang mga labi n'ya. Bagay na bagay ang kabuuan n'ya sa naging propesyon n'ya. Kahit siguro hindi n'ya ako girlfriend ay kaagad na magtitiwala ako sa kanya kung s'ya ang magiging doktor ko. Bukod sa magaling na doktor, mapagkakatiwalaan din s'ya. Algean is not only my husband to be. Maituturing ko rin s'ya bilang isang matalik na kaibigan, companion at minsan ay guardian. Nagagawa n'ya akong pakalmahin sa mga oras na kinakain ako ng emosyon. He's always the first person that I want to call when I'm happy and when I'm struggling. Algean is the only person that could tame me. He's my comfort zone, my soulmate. Mas lalong lumawak ang pagkakangiti ko dahil sa katotohanang nakita ko na ang lalaking para sa akin. Araw-araw akong nagpapasalamat sa Diyos na si Algean ang lalaking ibinigay n'ya para sa akin. Hindi perpekto ang relasyon namin. Nagkakaroon din kami ng away at tampuhan pero ni kahit minsan ay hindi ko naranasang matulog na may sama ng loob. Ako man o siya ang may kasalanan, handa lagi si Algean na humingi sa akin ng tawad gaano man kaliit o kalaki ang bagay na pinag-awayan namin. He never disrespects me. Lagi n'ya akong inuuna at kahit na sobrang abala n’ya dahil sa propesyon n'ya ay hindi ko man lang naramdaman na hindi n'ya ako prayoridad. Lagi n'yang ipinaparamdam sa akin na isa ako sa mga top priority n'ya. Ni kahit minsan ay hindi s’ya nabigong iparamdam sa akin na isa ako sa pinakaimportanteng tao sa buhay n'ya. Kahit na nagkakaroon kami ng hindi pagkakaunawaan ay hindi ko man lang naramdaman na nagbago ang pagmamahal n'ya sa akin. He never let me down. Lagi n'yang inuuna ang kapakanan ko. At dahil sa uri ng trabaho ko bago pa ako umalis sa serbisyo, lagi n'yang inaalala ang aspetong emosyunal at mental ko. Minsan nga ay pinag-aawayan na namin ang tungkol doon dahil nakakalimutan na n'ya ang sarili n'ya. He's that selfless. Hindi na naman nakapagtataka iyon dahil mabubuti rin ang mga magulang n'ya. Mula sa pamilya ng mga doktor si Algean pero ni kahit minsan ay hindi nila ipinaramdam sa akin na kakaiba ako dahil sa pinili kong propesyon. Napakurap ako nang tumikhim si Algean. Natawa rin ako nang gumuhit ang matamis na ngiti sa mga labi n'ya. "Bakit pakiramdam ko ay mas lalo yatang na-inlove sa akin ang magiging misis ko?" tanong n'ya habang nanatiling nasa kalsada ang mga mata. Natawa ako at hinaplos ang pisngi ng kasintahan. "Na-realize ko lang ulit kung gaano ako kasuwerte sa 'yo." Algean chuckled. Tinanggal n'ya ang isang kamay sa manibela at kinuha ang kamay ko. "Kaya huwag na huwag kang hindi sisipot sa kasal natin bukas. Babaliktarin ko talaga ang buong bayan ng Raja Soliman makita ka lang at madala ka sa harap ng altar," aniya. Tawang-tawang tinampal ko s'ya sa braso. "At bakit naman hindi ako magpapakita bukas? Walang dahilan para hindi kita siputin sa simbahan bukas." He glanced at me. "How about we got married now? Pagkatapos nating pumunta sa presinto, dumiretso na lang tayo sa city hall and let's have a civil wedding." Nangislap ang mga mata ko. "Can we do that?" Algean heaved a sigh. "Gusto ko sana pero ayoko namang gumawa ng bagay na ikasasama ng loob ng mga magulang mo. Ayokong maramdaman nila na hindi ko sila inirerespeto." Nanulis ang nguso ko. "Sayang. Gusto ko sanang makasal na tayo ngayon para naman kahit biglang magbago ang isip mo bukas at hindi ka magpakita sa simbahan ay wala ka nang magagawa dahil kasal na tayo." Algean giggled. "Huwag kang mag-alala, Myra. Sisiguraduhin kong ako ang unang dadating sa simbahan. Hindi ko yata kayang palampasin ang pagkakataon na maikasal sa pinakamagandang babaeng nakilala ko." Kaagad na tumaas ang isa kong kilay. "Masyado kang busy, Doctor Algean. Wala kang ibang nakilalang babae bukod sa akin." Mas lumakas ang tawa n'ya kaya natawa na rin ako. Naiiling na humilig ako sa balikat n'ya. Kung kanina ay punong-puno ng agam-agam ang dibdib ko, ngayon naman ay gumaan na ang pakiramdam ko. Isa sa epekto sa akin ni Algean ay ang pagbibigay n'ya sa akin ng comforting presence. He was and will always be my healing pill. May kakayahan s'yang tanggalin ang lahat ng negatibong emosyong nararamdaman ko nang hindi ko nalalaman. "Thank you, Myra," seryoso at madamdaming wika ni Algean pagkaraan ng ilang sandali. Nangunot ang noo ko. Umayos ako sa pagkakaupo at tumingin sa kanya. "Bakit ka nagpapasalamat sa akin?" He glanced at me before focusing his eyes in the road. "Dahil nakilala kita and you gave colors to my black and white boring life." Hindi ko maiwasang hindi mapahagikhik sa narinig. "Nagiging makata na yata ang magiging mister ko." He burst in laughter. "I want to thank you for making me feel every emotion. Thank you for loving me." Muli n'yang kinuha ang kamay ko at kinintalan iyon ng masuyong halik. Nangingiting tiningnan ko ang kalsada. Wala sa sariling napatingin ako sa salamin at hindi ko maiwasang hindi mangunot ang noo nang makita ang kulay itim na sasakyan. "Oh, bakit ka natahimik?" tanong ni Algean. "May problema ba?" Ikiniling ko ang ulo. "Parang kanina pa tayo sinusundan ng sasakyang iyan," tugon ko habang nakatutok ang mga mata sa salamin. "Parang iyan din ang sasakyan na nakita ko nang lumabas tayo sa subdivision kanina." Dahil sa instinct ay mabilis na binuksan ko ang maliit na compartment na nasa harapan ko. Bago ko pa nga lang mahawakan ang personal na baril na naroon ay napigilan na ni Algean ang kamay ko. "Easy," aniya at sinulyapan ang sasakyang nakasunod sa amin. "Hindi mo kailangang kumilos ng ganyan. Malapit na rin tayo sa presinto at nasa sentro na tayo ng bayan. Tingnan muna natin kung tayo ang talagang sinusundan ng kotseng iyan." Tumango ako at mabilis na kinuha ang sticky note sa bag. "Anong gagawin mo?" Algean asked. "Hindi ko alam pero pamilyar sa akin ang plate number ng kotseng iyan," sabi ko at kaagad na isinulat sa sticky note ang plate number ng sasakyang nasa likuran namin. Matapos ibalik sa bag ang sticky note ay hindi pa rin ako nakuntento. Kinuha ko naman ang cellphone ko at pasimpleng kinunan ng litrato ang sasakyan mula sa salamin. Algean whistled. "Kakaiba talaga ang magiging misis ko. Handang-handa ka sa mga ganitong uri ng sitwasyon." "I was not called as the most capable detective in town for nothing." I winked at him. Natatawang tumango s'ya. "Kaya hindi ko pa rin mapaniwalaang umalis ka na sa serbisyo. Sigurado ka na ba talaga sa bagay na iyan?" Tumango ako. "Huwag kang mag-alala sa akin. Sinabi ko naman sa 'yo na bago ako mag-resign ay ilang buwan ko ring pinag-isipan ang tungkol dito." Nagkibit ng mga balikat si Algean. "Alam kong mahal na mahal mo ang trabaho mo at ayokong ako ang maging dahilan kung bakit pipiliin mong hindi abutin ang pangarap mo..." Sinundot ko nang marahan ang pisngi n'ya. "Stop saying that. Nag-resign ako dahil gusto kong magkaroon tayo ng simple at payapang pamilya. Hindi ko maibibigay sa 'yo iyon kung nasa ganoong uri ako ng trabaho." "Ang suwerte ko talaga sa 'yo," he replied. "Hindi na ako makapaghintay na dumating ang bukas. Excited na talaga ako na marinig mula sa pari na mag-asawa na tayo." Kaagad na tumango ako sa kanya tanda ng pagsang-ayon. "Wala nang isang araw ang hihintayin natin. And pagkatapos niyon ay lagi na tayong magkakasama." "Ngayon pa lang ay sobra na ang sayang nararamdaman ko sa tuwing mai-imagine ko na gigising ako na ikaw ang una kong makikita at ikaw ang sasalubong sa akin sa oras ng pag-uwi ko mula sa trabaho." "I promise to be the most understanding wife for you," madamdaming sabi ko habang buong pusong nakatingin sa kanya. "And I promise to be the faithful and loving husband for you, Myra." He glanced ate then to the side mirror. "Oh, mukhang hindi naman tayo ang sinusundan ng kotseng iyon." Kaagad na tiningnan ko ang salamin. Lumiko na kami sa presinto samantalang dire-diretso ang kotse papunta sa kanlurang bahagi ng bayan. Ikiniling ko ang ulo. Alam kong wala naman akong dahilan para mag-isip ng kung anu-ano pero hindi ko pa rin magawang maging panatag. Ngunit dahil wala na naman ako sa serbisyo ay pinilit kong kalimutan ang isipin tungkol sa sasakyang tuluyan nang nawala sa paningin namin. Maingat na nag-park si Algean sa parking lot ng presinto. Mabilis s'yang bumaba mula sa sasakyan para buksan ang pinto sa gawi ko. "Sumama ka na sa akin sa loob, puwede mo akong hintayin sa receiving area ng presinto," wika ko nang makababa ng sasakyan. Mabilis n'yang hinawakan ang kamay ko at pinagsalikop ang mga daliri namin. "Sure. Pakiramdam ko rin naman na medyo magtatagal ang pag-uusap n'yo ng superior mo. Ayoko rin namang maghintay lang dito, mami-miss kita kaagad." Apologetic na tumingin ako kay Algean. Kaagad n'yang naramdaman ang gusto kong sabihin kaya mabilis n'yang pinisil ang ilong ko. "Don't apologize, Myra. Narito tayo hindi lang para sa ikatatahimik ng loob mo, para rin ito sa akin. Alam mo namang hindi ko matitiis na makita kang nahihirapan," buong pagmamahal na wika n'ya. Lumabi ako. "Gusto ko pa ring mag-sorry dahil wala naman sa plano natin ang pumunta rito. Dapat nga ay nakita na natin ang kabuuan ng bahay natin sa mga oras na ito." He planted a light kiss on my lips. "Malaki na ang isinakripisyo mo para sa ating dalawa. Nag-resign ka na sa trabaho mo and ito na lang ang magagawa ko. Gusto kong bago ka lumakad bukas sa aisle ay wala ka nang megatibong emosyon na nararamdaman." Pinisil ko ang kamay n'yang nakahawak sa akin. "Thank you." Algean looked at the precinct. "So, let's go?" Tumango ako at sabay na kaming naglakad patungo sa salaming pinto ng presinto. "Detective Myra!" Hindi pa man kami tuluyang nakakapasok sa presinto ay sinalubong na kami ng mga dati kong kasamahan. Masayang-masaya silang bumati sa amin ni Algean. "Sana ay makapunta kayong lahat bukas," masayang imporma ni Algean sa mga dati kong kasama. "Kahit na dumaan lang kayo bago o pagkatapos ng trabaho n'yo. At kung wala talaga kayong oras ay magpapadala na lang kami rito ng mga pagkain para may meryenda kayo." "Gusto ko iyan!" Pumalakpak pa si Kevin, ang rookie detective na mula sa Anti-Corruption Department. "Tamang-tama, day-off ko bukas!" masayang bulalas naman ni Jerome. "Ano nga palang sadya n’yo rito, Detective?" tanong sa akin ni Detective Riz. Katulad ni Ronmar ay mukhang hindi pa rin s'ya sanay na tawagin na lang ako sa pangalan ko. "Gusto ko sanang makausap si Chief Regalado para sa kasal ko bukas," pagdadahilan ko. "May kailangan kasi akong sabihin sa kanya dahil may kailangang idagdag sa susuotin n'ya bilang isa sa mga ninong namin ni Algean." Pumaikot sa baywang ko ang braso ni Algean. "Sana lang talaga ay hindi s'ya abala sa mga oras na ito." "Nasa loob s'ya ng opisina n'ya," imporma sa amin ni Detective Riz. "Puwede naman kayong dumiretso dahil wala naman s'yang bisita sa mga oras na ito." Mabilis na hunarap sa akin si Algean. "Magpapaiwan na lang ako rito para mabilis mong masabihan si Chief. Sigurado rin akong magkakakuwentuhan pa kayong dalawa." Matamis ang ngiting tumango ako. Sigurado akong sinabi n'ya iyon para hindi magduda ang mga dati kong kasama na nakapaligid sa amin ngayon. "Oo nga naman," segunda ng isa sa mga dating kasama ko mula sa department namin. "Para naman makilatis namin itong mapapangasawa mo, Detective Myra." Natawa na lang ako kunwari bago tinungo na ang opisina ni Chief Regalado. Pasimpleng sinuyod ko ang paligid pero bigo akong makita si Ronmar kaya mas lalo akong nakaramdam ng kaba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD