Myra’s Pov: Puno ng sakit ang pusong hinaplos ko ang salaming tumatakip sa mukha ni Algean. Kung titingnan ay payapang-payapa ang itsura n’ya habang nakahimlay sa kabaong. Kung hindi ko nga lang alam kung ano ang naging sanhi ng kamatayan n’ya ay iisipin kong namatay s’yang mapayapa at walang pinagdaanang kahit anong uri ng sakit o pasakit. Hindi ko alam kung matatanggap ko ang kamatayan n’ya kung naging iba ang dahilan niyon. Napakahirap naman kasing tanggapin ang kamatayan ng kahit sino, may sapat ka mang oras o wala para maaalam o maalagaan ang taong minamahal. Apat na araw na ang nakalilipas mula nang matagpuan ang bangkay ni Algean. Ganoon na rin katagal na nakaburol ang lalaki at ihahatid na s’ya sa huling hantungan pagkatapos ng tatlo pang araw. Tradisyunal ang burol ni Algean ng