Myra's Pov: Ikiniling ko ang ulo. Ang mga sinabi n’ya ay ang mga detalyeng hindi ko na nabigyan ng pansin dahil pinangunahan na ako ng galit. Iyon ang mga detalyeng ngayon ko lang napag-isipan at dahil iyon kay Ronmar. At kung hindi pa n’ya ipinaalala sa akin ang mga bagay na iyon ay baka nakalimutan ko na nga ang tungkol doon. "Gusto mo bang magpasalamat pa ako sa kanila dahil kahit sa huling pagkakataon ay nagpakita pa rin sila ng respeto kay Algean?" sarkastikong tanong ko matapos ang ilang segundo. "Nope. Sinasabi ko lang ang mga supporting details na nalaman ko tungkol sa case ni Doctor Ledezma. To tell you how his case differs from the other victim’s cases." He shook his head. "Alam kong masakit para sa 'yo na marinig ito ngunit mukhang tama ang sinabi nina Detective Bill noong na