Chapter 14- Broken Pieces

2152 Words

Myra's Pov: Kung kanina ay basa ako ng ulan, ngayon naman ay nakababad ako sa bathtub dito sa banyo ng silid ko. May ilang oras na yata akong nakahiga lang dito sa tub at kanina pa rin humahalo ang mga luha ko sa tubig. Hindi ko na nga alam kung kahit sandali ba ay tumigil ang mga luha ko, pakiramdam ko kasi ay hindi naman. Masakit na masakit ang puso ko. Iyong pakiramdam na tila paulit-ulit na tinutusok ng mga maliliit na karayom, iyong-iyon ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Gustong-gusto ko na ngang dukutin ang puso ko mula sa dibdib at itapon para mawala na ang sakit niyon. Ang sabi nila, nakakamanhid daw ang sobrang sakit, but they were all wrong. Hindi man lang ako namanhid. Ramdam na ramdam ko ang paulit-ulit na pagkawasak ng puso ko. Para iyong babasaging kristal na nabasa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD