Chapter 64- Gunshot

1702 Words

Myra's Pov: Kahit na alam kong huli na ay sinubukan ko pa ring gumulong. Dahil sa ginawa ko ay natanggal ang pagkakatusok ng tila pako sa hita ko. Naramdaman ko ang malamig at basang semento. Tumalsik sa mukha ko ang tubig na naipon sa hindi pantay na semento. Nalasahan ko pa ang masamang lasa niyon. Hindi ko nga lang inaasahan na kahit na nagawa kong makagulong ay naabot pa rin ako ng ibang mga kawayan at kahoy na natumba sa direksyon ko. Napaigik na lang ako nang humampas sa binti ang isang may kabigatang kahoy. Ngunit katulad ng mga naging buhay ko sa nagdaang walong buwan, wala akong oras para isipin pa ang sariling nararamdaman. Hindi ako nagsayang ng pagkakataon, sinipa ko ang mga kahoy na dumagan sa mga paa ko at mabilis na bumangon. Masama ang tinging ipinukol ko sa direksyo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD