Myra's Pov: "Algean— he's rare. Rare dahil alam kong nag-iisa lang s'ya sa mundong ito. Dahil alam kong sa kabila ng bilyong bilang ng mga tao sa mundong ito, wala pa ring makapapantay sa kanya, sa mga nagawa n'ya at sa kabutihan n'ya. He's a rare gem. Ni kahit minsan ay hindi ko pa s'ya nakitang nagalit. Ni kahit minsan ay hindi ko pa s'ya narinig na nagtaas ng boses sa kahit sino. Pantay ang tingin n'ya sa lahat— mula sa empleyadong may pinakamababang posisyon sa ospital hanggang sa may-ari niyon. At kahit na mapaos pa ako rito at matapos ang buong araw na ito, hindi sapat ang mga iyon sa paglalarawan ko kung gaano kabuting tao ni Doctor Prince Algean Ledezma." Ikinurap-kurap ko ang mga mata para pigilan ang pagtulo ng mga luha. Kanina ko pa pinipigilang maiyak ngunit tuwing may magsis