Practice makes perfect and sometimes it can get you into trouble, too. MARAMI-RAMI na ring araw ang nagdaan simula nang huli kong makausap si Hunter. Magmula kasi noon ay bumalik na rin siya sa dati. Tahimik na ulit siya at hindi ako pinapansin. Para ngang hindi nangyari ang pag uusap naming dalawa. Siguro ay nanigurado lamang siya na hindi ko ikakalat kung ano man ang nakita ko noong gabing iyon. Pero...ano nga kayang ginagawa ni Hunter noon at bakit kulay pula ang mga mata niya? "Napaalalahanan ko na kayo na nalalapit na ang inyong exam, hindi ba? Ngayon ay bibigyan ko kayo ng oras para makapag ensayo kayo." Nagdiwang ang buong klase. Sus, kahit naman anong gawin kong pagpa-practice ay mukhang walang mangyayari sa akin. "Kayo na ang bahalang pumili kung saang lugar ba kayo magpa-prac