Kabanata 8 "Get a room!" Pagkarinig ko no'n ay nagdudumali kong tinulak si Lucas palayo at dahil maskulado siya't hindi hamak na maaas malaki't matangkad kesa sa akin kaya ilang pulgada lang ang nagawa kong distansya sa aming pagitan. Jusko! Kasalanan nga talaga ang pagiging hunk nito bukod sa kaguwapuhan niya. Hinay-hinay at nag-aatubili kong sinalubong ang tingin ng dalawa kong kaibigan. At hindi nga ako nagkamali dahil halos maningkit na ang nanunudyo't nagbibigay-hinala nilang mga mata. Ipagtataka ko pa iyon, e alam ko naman na madudumi ang utak ng mga 'to. Lalo na si Melody! "A—ah, ano.. sige, Gov. T—tatawagan na lang kita mamaya." Kabadong rason ko. "Aalis ka na 'di ba?" Pagpapalayas ko sana dito para hindi na magatungan pa ang hinala ng dalawa. Alam kong kahina-hinala rin iyo