Fragment 4: Changes

1519 Words
" Kuya anong ginagawa mo ! " bungad ko kay kuya Carl na bigla na lang pumasok sa kwarto nila mama. Hindi nya ko pinansin. Nagpatuloy siya sa paghahalungkat sa cabinet, ilalim ng kama, sa bag at sa kung ano ano pang laman ng kwarto. " Nasan si mama ?! " galit na tanong nto. " Wala pa sya, ano bang hinahanap mo ?! " nasa pintuan ako, kahit galit ako hndi ko sya kayang lapitan dahil sa takot. " Wei, may pera ka ba dyan, akin na ! " lumingon sya sakin na nanlilisik ang mga mata. alam ko nman talaga na yun ang kaylangan nya. " W-wala akong pera. " bahagya akong natakot sa tingin niya dahilan para mapaatras ako. wala pa nman yung iba kong mga kapatid para tulungan ako dto. Binato nya sa kama yung isang shoulder bag ni mama na walang laman kundi mga papeles. Ilang hakbang nya lang nasa harapan ko na sya kagad. " Wag mo kong ginagawang tanga ! Alam kong may pera ka ilabas mo na ! " inalog alog nya ko sa balikat habang mahigpit na nakahawak doon ang mga kamay nya. " Nasasaktan ako, kuya ! " tinutulak ko sya pero masyadong mahigpit na ang pagkakahawak nya. " Ilabas mo na kase !! " pinisil nya pa lalo ang payat kong braso dahilan para maluha ako sa sakit. " W-wala na nga ! Bakasyon na pano ako magkakaron ng pera  ! " matiim ko siyang tiningnan sa mata, bakas pa rin dun ang galit. Pagkasabi ko nto tinulak niya ko ng ubod lakas kaya nabuwal ako sa sahig. Nagpatuloy siya sa pag gulo ng mga gamit sa kwarto. " Kuya tigilan mo na !! " " Tumahimik ka dyan !! " asik niyang sagot. Hndi siya umuwi kagabi tapos ngayon bigla na lang siyang darating at hahanapan kami ng pera. Gawain ba ng matinong anak o tao man lang yun ? " Ang kapal ng mukha mo, hndi ka na nahiya kay mama na nagpapakahirap sa pagtatrabaho tapos ikaw mangungupit ka lang para sa babae mo ! " Napatigil siya sa sinabi ko. Nakaramdam ako ng takot. Masamang kutob. Mabilis syang lumapit sakin at sinampal ako. Sa lakas nun halos mapadapa uli ako sa sahig. Sakto nmang dating ni mama at kuya Brian. Kuya pero babae sya, ang ate kong kuya. " Carl  ! Anong ginagawa mo sa kapatid mo ! " sigaw ni mama mang madatnan akong nasa sahig. hndi nman to nagsalita, agad nyang hinatak ang shoulder bag ni mama. " Ano na nman bang problema mo  ?! si mama parin habang inaalalayan akong tumayo. " Manahimik ka dyan ! " hinahalughog ni Carl ang bag para sa pera pero mukhang nabigo sya. " Bwisit  ! Mga walang pakinabang  ! " " Ikaw ang walang pakinabang  ! " namumula sa galit na sagot ni mama. " Ikaw ang panganay pero di kta maasahan  ! Wala kang ibang gnawa kundi mambabae  ! Uuwi ka lang dto para manghingi ng pera  ! " Nagdilim ang itsura ni kuya sa sinabi ni mama. Dumukot sya sa likod ng pantalon nya at inilabas ang isang maliit na kutsilyo. " ANONG SABI MO  !! " akmang itututok nya na ang patalim kay mama nang harangan sya ni kuya Brian. " Subukan mo, Carl  ! Nang makarating ka na sa impyerno ngayon pa lang  !! " nagngangalit na sabi nito habang may nakatutok din syang kitchen knife kay kuya Carl. nagsubukan sila ng tingin, kapwa nanlilisik. " Mga bwisit  ! Magsama sama kayo  !! " binalik ni kuya Carl ang maliit na kutsilyo sa bulsa nya pagkatapos ay umalis na sya. naiwan kaming tulala at hndi pa makagalaw sa takot. " Ma, ok ka lang ba  ? " nag aalalang tanong ko sa kanya. kahit wala syang sakit sa puso yung itsura nya kasi ngayon parang sasabog na sa galit. " Ma.. " pag alo ni kuya Brian kay mama habang hinihimas ang likod nto. kahit madalas pasaway siya hndi nman sya kasing rebelde ni kuya Carl.  ngayon ako natuwa na kapatid ko sya. " Ayos lang ako.. " napahilamos sa mukha si mama at bigla na lang humagulhol. wala akong masabi, nasasaktan ako na nahihirapan sya ng ganto. kung nandto lang sana si papa hndi magiging ganto kahirap ang buhay nmin. kung hndi sya maagang nawala edi sana may karamay pa si mama. " Tahan na, nandto lang kami, Ma.. " niyakap ko sya. " Salamat mga anak.. " Bigla kong  naalala yung trabaho na inaalok ni mama sakin nung isang araw. Hndi pa ko makasagot noon dhil parang hndi pa ko handa magtrabaho, isa pa wala pa kong 18. Pero sa nakikita ko ngayon kaylangan ko na nga talagang patusin yun. Siguro nman kaya ko dba, pagtitinda lang nman ng mga damit at alahas sa mall ang gagawin ko. Yun ang sabi ni mama. Kaibigan nya kasi yung may ari ng pwesto sa mall na naghahanap ng tenant. " Ma. " tawag ko sa kanya pagkaabot ko ng isang baso ng tubig para mapakalma sya. tumingin nman sya sakin. " Payag na ko dun sa trabaho. " Hndi sya sumagot at binaba lang ang baso sa table na nsa harap ng sofa. May dinukot sya sa bulsa nya. " Hala, nasa bulsa mo pala yan  ? " gulat kong tanong nung nilabas nya yung wallet nya. bahagya nman syang tumawa. " Hndi ako naglalagay ng pera sa bag, madali lang yun madudukot gaya ng ginawa ng kapatid mo. " " Kaya pala hndi nakuha ni Carl. " namangha kong sagot. " Sigurado ka na ba sa trabaho  ? " pagbabalik nya sa topic. " Ou, Ma. Para makatulong nman ako sayo. Wala na tayong maaasahan sa mga kapatid ko. " si Carl nga lang ang rebelde pero yung mga kapatid ko parang may kanya kanyang buhay, di man lang magawang maisipan na tumulong puro luho ang inuuna. " Kaya mo na ba  ? " paninigurado nya. " Ou nman. Ako pa. " proud kong sabi sabay yakap sa kanya, niyakap nya din ako pabalik. Matapos ng pag uusap na yun hinanda ko na ang mga gamit na dadalhin ko. Mga damit, personal na gamit at hygienic products. Nalaman na rin ng mga kapatid ko ang pag alis ko kaya sinabihan ko na rin silang ingatan si mama lalo na kay Carl. Kinabukasan, sumabay na ko sa pag alis ni mama papuntang trabaho para ihatid na ko sa kaibigan nya. " Ikaw na bahala sa kanya ah, Laila. " paghahabilin sakin ni mama sa kaibigan nyang may ari ng boarding house na tutuluyan ko. " Ou nman, wag ka mag alala. Safe sya dito. " ngumiti ito at binalingan ako ng tingin. " Anong pangalan mo, hija  ? " magiliw nyang tanong. " Wei po. " " O, sya halika Wei sasamahan na kta sa kwarto mo. " yaya nya. lumingon nman ako kay mama na parang nag aalinlangan. " Dumalaw ka sa bahay paminsan minsan ha. " " Mamimiss kta, Ma. " niyakap ko siya ng mahigpit. sa amin kasing magkakapatid ako ang pinakamalapit sa mga magulang ko kaya nakakalungkot lumayo. " O, baka umiyak ka pa dyan wala akong dalang chupon.  " pagbibiro nya. " Mama talaga eh. Ingat ka ah, lalo na dun kay Carl. " sabi ko, ginulo nya nman ang buhok ko na parang bata. " Sge na hinihintay ka na ni Laila. Tatawagan kta lagi para hndi ka maHomesick. " ngumiti siya't  ganun din ako. Kumaway na ko at nagpaalam. Nung nawala na si mama sa paningin ko napabuntong hininga na lang ako. Hinatid na ko ng kaibigan ni mama sa kwarto ko, umakyat kami sa second floor at huminto sa dulong pinto. Apat kasi yun, magkakatapat. " All girls lang dto. Bawat room may tig dalawang boarders kaya may isa kang kasama sa kwarto. Ok lang ba  ? " tanong nya. " Opo, ayos lang makakapag adjust nman po ako. " sagot ko na lang. ako na nga ang boarder ako pa tong inaalala nya, ang bait. Kumatok sya ng dalawang beses sa pinto tska nya yun binuksan. Bumungad sakin ang attic style ng kwarto. Sa dulo may bintana, sa kaliwa may white na pinto, yun siguro ang cr. Sa bandang kaliwa ntong pinto may built in cabinet at sa kanan, may kama, sa tapat nun may isa pang kama. " Dto ang pwesto mo. " turo nya sa kama sa tabi ng pinto. " Kung may kaylangan ka wag ka mahiyang lumapit sakin. MAy telephone din pala sa baba, gamitin mo lang kung namimiss mo na sila Venus at ang mga kapatid mo. " nakangiti nyang paliwanag. " Ok po, salamat. " " Siya sge, bababa na ko ah. " tumango nman ako. tuluyan na siyang lumabas ng pinto, naiwan akong nganga. " Haaay.. " umupo ako sa kama ko at dinama ang lambot nun. hndi komportable ang pakiramdam ko pero kaylangan ko ng masanay. hndi ko alam kung gano ako katagal dto, basta habang bakasyon magtatrabaho muna ko para makatulong kay mama. Napagpasyahan kong ayusin na ang mga gamit ko nang biglang bumukas ang cr. " Ikaw  ?! " bulalas ko. napatayo pa ko sa pagkakaupo dahil sa nakita ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD